ni Jasmin Joy Evangelista | March 22, 2022
Pormal nang inendorso ng PDP-Laban Cusi faction ang kandidatura ni dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa pagkapangulo.
Sina Marcos at running mate nitong si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ay tumatakbo sa ilalim ng UniTeam slate ng Lakas-Christian Muslim Democrats and the Partido Federal ng Pilipinas. Nauna nang nagdeklara ng suporta ang PDP-Laban kay Mayor Duterte — anak ni President Rodrigo Duterte, na siyang party chairman.
Sa isang resolusyon, sinabi ng National Executive Committee ng partido na nagdesisyon ito matapos ang "careful and exhaustive deliberations" that it will "[endorse] the candidacy of Senator Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. for president of the Republic of the Philippines [in] the forthcoming 2022 National Elections."
Sinabi rin ng committee na ang plataporma ni Marcos ay "most aligned with the development program of President Rodrigo Roa Duterte" at sa legislative at political agenda ng partido.
Sa inilabas na pahayag, nagpasalamat naman ang kampo ni Marcos sa suporta ng PDP-Laban.
"We appreciate deeply the PDP-Laban’s kind endorsement of presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr," ani Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos.
"The trust it placed in him inspires us beyond measure, for it signals that our message of national unity is gaining ground."
"Again, we thank PDP-Laban for joining the crescendoing chorus of national unification as we call on our supporters not to blink, not yet, for victory may only be claimed when votes have already been cast and every ballot counted on election day," dagdag pa ng kampo ni BBM.
"Mabuhay ang pagkakaisa! Sama-sama tayong babangong muli!"