ni Info @News | September 16, 2024

Nitong Linggo ng tanghali (Septyembre 15) ay agarang rumesponde ang batikang lingkod-bayan na si Senador Ramon Bong Revilla, Jr. sa mga biktima ng malawakang sunog noong Sabado (Set 14) sa Tondo, Maynila.
Halos dalawang libong pamilya ang nawalan ng tahanan matapos matupok ng apoy ang kanilang mga tirahan sa Aroma Compound sa Vitas, Tondo na isang tenement area.
Agad-agad na umaksyon si Revilla at dumalaw sa mga evacuation centers kung saan pansamantalang nananatili ang mga apektado ng sakuna.
Nagdala ang mambabatas ng libo-libong food packs, hot meals, bottled water, at mga tsinelas para makatulong sa mga labis na pangangailangan ng mga nasunugan.
“Nakakahabag man ang sinapit ng ating mga kababayan sa Tondo, nagpapasalamat pa rin ako sa Panginoon at ligtas sila,” pahayag ni Revilla.
“Kapag may mga ganitong sakuna, sinisiguro ko na agad akong makakapagpaabot ng tulong sa mga biktima dahil di ko lubos maisip ang kanilang pinagdadaanan. Sa pamamagitan man lang ng ating konting tulong ay maibsan ang tindi ng kanilang pinagdadaanan,” dagdag nito.
Sa ngayon ay nananatili ang mga biktima ng sunog sa tatlong evacuation centers — covered courts ng Barangay 105 at Barangay 106 at sa Gen. Vincente Lim Elementary School.
Hinikayat ni Revilla ang ibang mga kababayan na makapag-abot ng tulong sa mga nasunugan sa abot ng kanilang makakaya.
“Marami namang tumutulong pero marami rin talaga ang apektado ng sunog na ito. Magsisimula ulit sila dahil wala na halos gamit na naisalba. Kaya hinihikayat ko ang mga kababayan natin na may ginintuang puso na magpa-abot rin ng tulong. Oras muli para sa bayanihan,” pagwawakas ng senador. -30-