ni Bong Go - @Bisyo Magserbisyo | July 02, 2021
Natutuwa tayong ibahagi na nitong nakaraang linggo, tatlong Malasakit Centers ang ating binuksan. Ito ay matatagpuan sa Masbate Provincial Hospital, Bicol Region General Hospital and Geriatric Medical Center sa Cabusao, Camarines Sur at sa Camarines Norte Provincial Hospital sa Daet, Camarines Norte.
May 124 Malasakit Centers na handang tumulong sa lahat nang mga Pilipino saan man sila sa ating bansa upang mapadali at mapabilis ang pagkakaloob ng medical assistance ng gobyerno, lalo na sa mahihirap nating kababayan.
Bukod dito, patuloy din ang pag-iikot natin para tulungan ang ating mga kababayang nangangailangan. Nitong buong linggo lamang, nag-abot tayo ng tulong sa mga indigenous workers, OFWs, frontline health workers at iba pa.
Ilan sa kanila ay ang 1,114 transport workers sa Metro Manila; 1,148 transport workers sa Sto. Tomas, Davao del Norte; 158 caddies sa Zamboanga City; 200 na mahihirap na manggagawa sa Balanga City, Bataan; 3,368 transport at market workers sa Iba, Zambales; 600 TODA members sa Caloocan City; 640 indigents sa Tanza, Cavite; at 400 na magsasaka at mangingisda sa Pilar, Dapa, San Isidro at General Luna sa Surigao del Norte.
Nagbigay din tayo ng dagdag-suporta sa 375 medical frontliners ng Masbate Provincial Hospital; 763 medical frontliners ng Bicol Region General Hospital and Geriatric Medical Center; at 220 medical workers sa Camarines Norte Provincial Hospital.
Walang tigil din ang pagtulong natin sa mga biktima ng sunog, tulad ng walong pamilya sa Bgy. Kalawaan sa Pasig City; limang pamilya sa Paco at 55 na pamilya sa Tondo sa Maynila; 112 na pamilya sa Project 6 at 45 na pamilya sa Commonwealth sa Quezon City; dalawang pamilya sa Tagbina, Surigao del Norte; at 209 na pamilyang nawalan ng tirahan sa Navotas City.
Patuloy din ang pagbibigay ng dagdag-ayuda sa mga biktima ng mga nakaraang bagyo, tulad ng 2,224 na indibidwal sa San Miguel, Surigao del Sur; 27 na mga benepisyaryo sa Hinatuan at Tagbina, Surigao del Norte; at 475 na pamilya sa Hinoba-an, Negros Occidental.
Sa ating pag-iikot, namahagi tayo ng iba’t ibang tulong, tulad ng pagkain, masks, face shields at mga bitamina bilang proteksiyon din laban sa COVID-19. Sinigurado nating nasusunod palagi ang health and safety protocols upang maiwasan ang pagkalat ng sakit. Kasama rin ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na may hiwalay ding tulong para sa mga kuwalipikadong benepisaryo base sa kanilang programa.
Hinihikayat din na magpabakuna na ang lahat dahil ito ang susi at solusyon upang malampasan ang krisis at makabalik tayo sa normal na pamumuhay. Huwag tayong matakot sa bakuna. Kung gusto nating maproteksiyunan ang ating sarili at mga mahal sa buhay, magpabakuna tayo alinsunod sa ating vaccine rollout guidelines.
Bukod sa tulong at serbisyo sa tao, hindi rin natitinag ang laban kontra korupsiyon, ilegal na droga at kriminalidad — para sa ating hangarin na mabigyan ng mas komportableng buhay ang bawat Pilipino. Sa natitirang isang taon ng Administrasyong Duterte, hindi tayo titigil upang ipaglaban ang kapakanan ng bawat Pilipino at mabigyan ng mas maayos na kinabukasan ang ating mga anak.
Marami tayong nagawang mabubuting pagbabago sa nakaraang mga taon — mula imprastruktura, kalusugan, edukasyon, kabuhayan at lalung-lalo na pagdating sa kaayusan at kaligtasan sa lipunan. Hayaan na nating ang taumbayan mismo ang humusga kung masaya sila sa pagpapatakbo ng gobyerno ngayon, kung ramdam nila ang mabubuting pagbabago, at kung ligtas na silang nakalalakad sa kani-kanilang komunidad dahil nawala na ang pangamba nila na dulot ng masasamang elemento sa lipunan.
Tanging kayong Pilipino na lang ang makapagsasabi kung nanaisin ninyong maipagpatuloy pa ang mga nasimulan ng ating mahal na Pangulo hanggang sa susunod na mga taon. Gagawin natin ang lahat upang makapagserbisyo — ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos.
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.