ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 14, 2021
Kailangang magpakita ng negatibong resulta ng RT-PCR o antigen test ang mga biyahero mula sa Bohol at Negros Oriental at Occidental na pupuntang Cebu simula ngayong araw, Hunyo 14 hanggang sa July 24, ayon sa lokal na pamahalaan.
Ayon sa Cebu Provincial Government, kailangang isagawa ang RT-PCR test sa loob ng 72 oras bago ang biyahe papuntang Cebu at ang rapid antigen test naman ay kailangang isagawa 48 hours bago bumiyahe.
Ayon naman kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia, ito ay ipinatupad bilang pag-iingat dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Bohol at Negros.