ni Lolet Abania | April 8, 2022
Nakakumpiska ang Bureau of Customs (BOC) ng mahigit sa limandaang-milyong pisong halaga ng mga pekeng produkto sa Cavite.
Sa isang statement ng BOC ngayong Biyernes, sinabi nitong nasabat ang mga puslit na illegal goods na may estimated value na P600,000,000 sa Kawit, Cavite noong Marso 28, 2022 sa pamamagitan ng kanilang Customs Intelligence and Investigation Service-Intellectual Property Rights Division (CIIS-IPRD).
Ayon sa BOC, ang kanilang implementing team na binubuo ng mga tauhan mula sa CIIS-IPRD, BOC-Port of Manila (POM), BOC Revenue Collection and Monitoring Group (RCMG) – Legal Service, at ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ay nagsagawa ng inspeksyon sa isang warehouse na matatagpuan sa Toclong-San Sebastian Road, Kawit, Cavite.
Ang naturang inspection ay alinsunod sa isang Letter of Authority (LOA) na inisyu ng BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero.
“Prior sealing the subject warehouse, BOC examiners, in the presence of CIIS and the AFP operatives, conducted an inventory of the goods comprising of motorcycle accessories, footwears and apparels bearing the brands of Nike, Adidas, and Gucci, among others,” saad ng BOC.
Sa ilalim ng Republic Act No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) ay nakasaad, “infringing goods are prohibited articles and should immediately be seized or confiscated.”
Patuloy pa ang imbestigasyon sa posible namang paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines (RA 8293) at ang CMTA, ayon pa sa BOC.