ni Angela Fernando - Trainee @News | November 9, 2023
Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa Maasin, Zamboanga City ang umaabot sa P13.752-milyong halaga ng mga kontrabandong sigarilyo.
Gumawa ang BOC, Philippine National Police (PNP) Seaborne Company, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng magkakasamang listahan para suriin ang mga kalakal at natuklasang merong 240 master case ng sigarilyo ang naipuslit.
Ayon kay Commissioner Bienvenido Rubio, hindi nila palalampasin ng kahit anong gawain na posibleng makasama sa kalagayan ng mga mamamayan at kanilang aaksiyunan ang mga puslit na kalakal sa tulong ng kanilang mga kaagapay na ahensiya.
Dadaan ang mga puslit na produkto sa ilalim ng mga batas na paglabag sa Tobacco Exportation and Importation Rules and Regulations at Customs Modernization and Tariff Act.