ni Jasmin Joy Evangelista | December 1, 2021
Nakatakdang ilibot ang imahen ng Itim na Nazareno sa mga simbahan sa iba't ibang panig ng Luzon.
Ito ay sa kabila ng pagkakansela ng taunang prusisyon na Traslacion sa susunod na taon.
Ayon kay Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church, bukod sa misa ay ililibot ang imahen sa Baguio City, La Union, Dagupan City, Cabanatuan City sa Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Atimonan at Lucena sa Quezon, San Pablo City sa Batangas at Imus sa Cavite, at dadaan sa simbahan sa Las Piñas at Baclaran Church sa Parañaque bago bumalik sa Quiapo Church.
Aniya pa, tuloy pa rin ang taunang Thanksgiving procession sa Disyembre 30 pero gagawin ito sa pamamagitan ng motorcade.
Nakatakda ring ilagak ang Poong Nazareno sa Sta. Cruz Church sa loob ng 9 na araw para masulyapan ang imahen.
Matatandaang inanunsiyo ni Badong noong nakaraang linggo na kanselado ulit sa susunod na taon ang Traslacion dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.