top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 10, 2023




Nakabalik na ang Itim na Nazareno sa Simbahan ng Quiapo matapos ang 15 oras na prusisyong dinaluhan ng umaabot sa 6.5-milyong deboto na isa sa pinakamalaking bilang ng tao sa nasabing taunang tradisyon.


Umalis sa Quirino Grandstand ang Nazareno bandang 4:45 ng umaga at dumating sa Simbahan ng 7:44 ng gabi para sa kabuuang 14 oras at 59 minuto..


Ayon sa ulat ng National Capital Police Region Office, umabot ang bilang ng mga deboto sa Traslacion ng 2, 807, 700 hanggang 1:00 ng hapon.


Naitala naman ng opisina ng Quiapo church ang 6,532,501 deboto ang dumagsa magmula sa umpisa ng prusisyon hanggang matapos ito ng 6:00 p.m.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 9, 2023




Tuluyang bumigay ang isa sa dalawang tali na humihila sa andas ng Itim na Nazareno para sa Traslacion nitong Martes, ayon sa Quiapo Church.


Ibinalik ng mga deboto ang nasabing tali sa Simbahan ng Quiapo bandang 1 p.m.


Nangyari ang insidente bago lumiko ang andas sa kalye ng Arlegui sa Quezon Boulevard at inaasahang makakaapekto ang pagkasira nito sa daloy ng Traslacion. 


Umaasa pa rin ang Simbahan na mananataling maayos ang takbo ng prusisyon.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 7, 2023





Umabot sa 10k na deboto ang nagtipon sa Quirino Grandstand nitong Sabado ng gabi para sa simula ng tradisyong 'Pahalik' ng Itim na Nazareno, ayon sa Manila Police District (MPD) nu'ng Linggo.


Ayon kay MPD acting director Police Colonel Arnold Thomas Ibay, nagsimula ang pila mga past 7 ng gabi at nagtuluy-tuloy na dumagsa ang mga deboto.


Dagdag ni Ibay, walang naitalang mga insidente sa lugar sa Roxas Boulevard.


Matatandaang hindi pa rin pinapayagan ang paghalik sa Nazareno ngayong taon.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page