ni Joy Repol Asis @Overseas News | July 15, 2023
Naglabas ng babala ang World Health Organization (WHO) kaugnay ng lalo pang pagkalat ng bird flu virus, kasama na ang pagkakalipat nito sa mga tao.
Ito ay matapos i-present ng WHO ang umano’y labis na pagtaas sa bilang ng mga bird flu outbreak sa mga nakalipas na taon.
Kinabibilangan ito ng sunud-sunod na outbreak sa Europe, North America at South America kung saan milyun-milyong manok at iba pang uri ng ibon ang pinatay o
isinailalim sa culling operation.
Nangangamba ang mga eksperto ng WHO na ang labis na pagkalat ng bird flu ay maging daan upang mailipat ang nasabing virus sa mga tao, at iba pang mga hayop.
Ayon pa sa WHO, mayroon nang outbreak sa 26 na uri ng mga hayop sa buong mundo.
Kasama rito ang mga mink sa Spain, sealion sa Chile, at mga pusa sa Poland.
Sinasabing mataas ang maidudulot na mortality ng bird flu kapag nailipat sa mga tao.