top of page
Search

ni Lolet Abania | December 17, 2020




Isang Alaskan health worker ang nakaranas ng matinding allergic reaction matapos maturukan ng COVID-19 vaccine ng Pfizer Inc. at BioNTech, ayon sa public health authorities ng lugar.


Malubha ang naging epekto sa nasabing health worker ilang minuto matapos na mabakunahan ng Pfizer vaccine noong Martes. Katulad ito ng dalawang kaso na nai-report noong nakaraang linggo sa Britain, subalit nasa maayos na kondisyon na ang naturang pasyente.


Ayon sa medical regulator ng Britain, ang mga taong may history ng anaphylaxis, o severe allergic reactions sa mga gamot o pagkain ay hindi dapat magpabakuna ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine.


Subalit, ayon sa US Food and Drug Administration, ligtas umano na tanggapin ang bakuna kahit pa marami sa mga Americans ang may mga allergies. Ang mga taong kamakailan lamang na nakaranas ng severe allergic reactions sa mga vaccines o anumang substance na mayroon ang isang bakuna ang hindi dapat magpaturok ng COVID-19 vaccine.


Ayon kay Lindy Jones, director ng emergency department sa kapitolyo ng Juneau, walang history ng allergic reaction ang nasabing Alaskan patient. Gayunman, agad na binigyan ng allergy treatment na epinephrine ang nasa edad nang pasyente, ayon kay Jones.


Nananatili pa rin ang nasabing pasyente sa Bartlett Regional Hospital ng Juneau para patuloy na i-monitor ang kanyang kondisyon.


Matatandang sinabi ng Pfizer na ang naturang vaccine ay may malinaw na babala na kinakailangan ng medical treatment at tamang pangangasiwa rito, at sakaling magkaroon ng kaso ng anaphylaxis na nagdudulot ng allergic reaction, dapat na nakahanda anumang oras upang maiwasan ang matinding epekto nito sa matuturukan.


Samantala, ayon sa dating FDA Chief Scientist Jesse Goodman, dapat na magsagawa ng mas malalim na pag-aaral patungkol sa maaaring panganib ng vaccine.


Aniya, dapat ding magbigay ng malawak na impormasyon sa pagkakaroon ng allergic reaction sa publiko.


"What we need to know is what the denominator is -- how many doses have been given? Is this going to be something that's going to be seen at a higher incidence with this vaccine than with others?" sabi ni Goodman.


"We're going to have to find out those things to inform whether that changes recommendations or how this is used."


 
 

ni Thea Janica Teh | December 12, 2020




Pinayagan na ng United States Food and Drug Administration ang paggamit ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer Inc. nitong Biyernes at ito na umano ang pinakamalaking turning point ng US kung saan 292,000 katao ang namatay dahil sa virus.


Napatunayang epektibo ng 95% ang COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer Inc at BioNTech sa late-stage trial nito.


Ayon sa US FDA, ibibigay ang vaccine sa mga taong may edad 16 pataas.


Uunahing mabigyan ng halos 2.9 milyong doses ng vaccine ang mga health care workers at matatandang nasa long-term care facilities.


Sinundan ng US ang United Kingdom at Canada sa approval ng paggamit ng COVID-19 vaccine na gawang Pfizer-BioNTech.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 10, 2020



Sisimulan na ang Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccinations sa Israel sa December 27, ayon kay Prime Minister Benjamin Netanyahu at nangakong siya ang unang Israeli na magpapabakuna.


Noong Miyekules, dumating na sa Israel ang unang 8 million doses sa in-order nila mula sa pharmaceutical giant na Pfizer. Saad ni Netanyahu, "This is a great celebration for Israel. "The first vaccinations will be given on December 27."


Aniya pa, "Tomorrow, another shipment is arriving, a much larger one. "I'm asking that every Israeli citizen be vaccinated, and to do so, requested to set an example and be the first person being vaccinated in Israel.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page