top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 11, 2021



Nakaranas ng heart inflammation o pamamaga ng puso ang ilang kabataang lalaki na nakatanggap na ng ikalawang dose ng mRNA COVID-19 shots mula sa Pfizer/BioNTech at Moderna base sa datos ng dalawang vaccine safety monitoring systems, ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) noong Huwebes.


Iniimbestigahan na ng CDC at iba pang health regulators ang kaso ng heart inflammation matapos iulat ng Health Ministry ng Israel na may nakitang koneksiyon sa pamamaga ng puso sa mga nabakunahan ng Pfizer COVID-19 vaccine.


Ayon sa ahensiya, pinag-aaralan pa ang nasabing kondisyon ngunit hindi pa umano masasabing may kaugnayan ang bakuna sa naiulat na myocarditis o pamamaga ng puso.


Ayon sa CDC, karamihan sa natanggap na ulat ng US Vaccine Adverse Event Reporting System (VAERS) na nakaranas ng heart inflammation ay mga kabataang lalaki na tumanggap ng second dose ng Pfizer o Moderna COVID-19 vaccines.


Nakapagtala umano ng 283 kaso ng heart inflammation ang VAERS sa mga edad 16 hanggang 24 matapos mabakunahan ang mga ito ng second dose.


Ayon naman sa Pfizer, susuportahan nila ang gagawing assessment ng CDC kaugnay ng heart inflammation cases.


Saad din ng kumpanya, "It is important to understand that a careful assessment of the reports is ongoing and it has not been concluded that the mRNA COVID-19 vaccines cause myocarditis or pericarditis.”


Ayon naman sa Moderna, nakikipag-ugnayan na rin sila sa public health at regulatory authorities upang pag-aralan at suriin ang naturang issue.


Nakatakda namang magsagawa ng pagpupulong ang CDC at Advisory Committee on Immunization Practices sa susunod na linggo hinggil sa insidente.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 28, 2021




Tutulong ang French drugmaker na Sanofi sa paggawa ng 125 million COVID-19 vaccine doses ng kalaban nitong Pfizer simula sa July upang mapabilis ang produksiyon nito.


Dahil sa huge demand ng COVID-19 vaccines, nahihirapan ang Pfizer at German partner nitong BioNTech na mag-produce ng bakuna.


Ayon kay CEO Paul Hudson, papayagan ng Sanofi na ma-access ng BioNTech ang production facility nila sa Frankfurt.


Aniya, “We have made the decision to support BioNTech and Pfizer in manufacturing their COVID-19 vaccine in order to help address global needs, given that we have the technology and facilities to do so.


Saad naman ni Olivier Bogillot, head ng Sanofi’s French operations, “We had a slight delay on one of our vaccine candidates and decided to use that time to mobilize our production capacities to help with the Pfizer one.”


Samantala, noong nakaraang buwan, ang COVID-19 vaccine candidate na gawa ng Sanofi sa tulong ng British drugmaker na GlaxoSmithKline (GSK) ay hindi nagkaroon ng magandang resulta ngunit plano pa rin nilang mag-produce ng sarili nilang bakuna.


Pahayag pa ni Hudson, “As always, our top priority is to focus our efforts and capabilities on fighting this global pandemic. First and foremost, we will do this by continuing to develop our own COVID-19 vaccines candidates, in parallel with this industrial cooperation.


"Since our main vaccine is a few months late, we asked ourselves how we could be of assistance now.”

 
 

ni Thea Janica Teh | January 9, 2021





Ikinababahala ng ilang scientists ang bagong COVID-19 variant na nadiskubre sa South Africa at tinawag na E484K mutation.


Nagpaplano nang magsagawa ng kaparehong test na ginawa sa COVID-19 variant na nadiskubre sa UK ang mga scientists upang malaman kung epektibo pa rin ang nagawang COVID-19 vaccine ng Pfizer Inc. at BioNTech.


Napag-alaman namang epektibo pa rin sa bagong variant ng COVID-19 sa UK ang vaccine na gawa ng Pfizer Inc. at BioNTech, ayon sa isinagawang laboratory study ng US drugmaker.


Sa pag-aaral ng Pfizer at mga scientists mula sa University of Texas Medical Branch, epektibo pa rin ang vaccine sa pagnyu-neutralize ng virus na kung tawagin ay N501Y mutation.


Ibinahagi ni Phil Dormitzer, isa sa top viral vaccine scientists ng Pfizer Inc. na pinag-aralan ng mga ito na maaaring ang mutation ang dahilan ng mabilisang pagkalat ng virus at inaalala na maaaring mawala ang antibody neutralization mula sa vaccine.


Kaya naman nagsagawa sila ng test sa 16 na magkakaibang mutation at kumuha ng blood sample sa mga taong nakakuha na ng vaccine.


“So we've now tested 16 different mutations, and none of them have really had any significant impact. That's the good news... That doesn't mean that the 17th won't,” ani Dormitzer.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page