ni Nitz Miralles @Bida | Oct. 18, 2024
Photo: Vice Ganda - FB
Hindi lang suportado ni Vice Ganda ang Ang Kasangga Partylist, present din siya nang i-announce ni George Royeca, ang CEO ng Angkas, ang pagkandidatong congressman sa darating na 2025 midterm elections. Ine-endorse ni Vice ang kandidatura ni George, hindi lang dahil kaibigan niya ito, naniniwala rin siya sa advocacy ng partylist nito.
Sa pamumuno ni George, isinusulong ng Ang Kasangga Partylist ang pagtulong na maitaas ang buhay at kinabukasan ng informal sector sa bansa. Kabilang dito ang gig workers working in various industry kasama ang entertainment sector.
Saad nila, “The partylist is pioneering an initiative to bring to light the often overlooked and undervalued contributions of informal workers to the national economy.”
Dahil sa endorsement ni Vice, mas lalakas ang boses within the LGBTQ+ community, pati na ang gig at informal workers sa entertainment industry.
Sa Tahanang Walang Hagdan (TWH) nag-celebrate ng kanyang 37th birthday kahapon si Bea Alonzo at pinasaya niya ang mga naroon by her presence pati na maraming dala niyang mga regalo. Kasama niya sina Jeric Gonzales at Timmy Cruz, gumaganap na nanay at kapatid niya respectively sa Widows’ War (WW) at kinantahan ang mga nasa TWH.
Naging host naman ng event si Kakai Bautista na kumanta rin. Nakita rin namin sa reels ang mom ni Bea.
Sey ni Bea, “Spreading joy where it matters most. An early birthday celebration at Tahanang Walang Hagdan, a day filled with laughter, love, and unforgettable moments.
“As you know, my mom’s condition has opened my eyes to the challenges faced by persons with disabilities. It’s a cause that resonates with me deeply. Celebrating my birthday at Tahanang Walang Hagdan didn’t just make my day special; it felt like we were able to share a slice of happiness with an incredible community.”
Kasunod nito, pinasalamatan ni Bea sina Timmy, Jeric at Kakai at ang WW staff pati na ang maraming sponsors. Ang daming sponsors kaya maraming naibigay na regalo si Bea.
Maganda ang birthday messages nina Timmy at Jean Garcia kay Bea, pati na ng mga fans at pinuri siya sa kanyang good deeds. Ang dami raw niyang napasaya at maganda ang balik nito sa kanya.
Isa na siguro sa magandang balik kay Bea sa mga pagtulong niya ay ang extension ng WW hanggang sa January 2025. Aabutan yata ang pagre-renew niya ng kontrata sa GMA Network.
Kung kelan magpa-Pasko…
JODI, DUROG ANG PUSO PARA SA 100 NA MATATANGGAL SA ABS-CBN
Photo: Instagram / Jodi Sta. Maria
MAY ‘heartbreaking’ na reaction si Jodi Sta. Maria sa balitang 100 workers ng ABS-CBN ang male-lay-off. May kasama pang emoji ng broken heart ang post ni Jodi na ipinag-react din, hindi lang ng mga Kapamilya fans kundi pati ng mga netizens.
“Ang sakit basahin ng balita.”
“Bilang Kapamilya, super-sakit nito.”
“Hugs to everyone affected by the decision.”
May nag-comment pa ng “Yes... truly heartbreaking. Praying for the God of provision to provide for whatever was lost a hundredfold. Praying for strength for the entire network too.”
Ang mas nakalulungkot nito, malapit na ang Pasko at papasok ang Bagong Taon, makakuha man ng separation pay ang mga mawawalan ng trabaho, mauubos din ‘yun.
Sana lang, makahanap agad ng bago ang mga mawawalan ng trabaho.
Naalala namin, may nabasa kaming tumulong financially si Jodi Sta. Maria sa ilang empleyado ng ABS-CBN na naunang nawalan ng trabaho. Siguradong gagawin uli ito ng Lavender Fields (LF) actress kapag may lumapit sa kanya at humingi ng tulong.