ni Nitz Miralles @Bida | Apr. 5, 2025
May aabangan uling collab vlog kina Barbie Forteza at Ivana Alawi, and this time, hindi sila nag-ukay-ukay at namili sa Farmer’s Market, magkasama silang nag-pilates. Hindi na lang nabanggit ng dalawa kung saan sila nag-pilates, makikita lang sa photos na masaya sila sa muli nilang pagkikita.
Sa text overlay ng post ni Ivana, nakasulat ang “ily (I love you) @barbaraforteza,” na sinagot ni Barbie ng “lovely seeing you! @ivanaalawi.”
Dahil beshie na ang dalawa, tiyak na masusundan pa ang pagkikita nila. Kahit hindi sila mag-collab sa vlog, puwede silang magkita para magkape at magkuwentuhan. Ang dami nilang puwedeng gawin together maliban sa pagtakbo na kinahihiligan ni Barbie ngayon.
Hindi lang feel ni Ivana na tumakbo dahil nang matanong ito sa last mediacon niya, naiinitan daw siya at napapagod. Pero, kapag nayaya siya ni Barbie, maganda sanang bonding nila ang pagtakbo.
Isa pala sa mga inire-request ng mga fans kay Ivana ay i-guest niya sa isa niyang vlog sina Barbie at David Licauco at Dustin Yu na na-link sa kanya noong mag-house guest siya sa Bahay ni Kuya. Sana raw, paglabas ni Dustin, magsama-sama silang apat at madali lang ito dahil mag-best friend sina Dustin at David.
Speaking of Ivana, pasabog ang latest post nito na halos hubo’t hubad na, topless siya at pawang bikini na lang ang suot na pang-ibaba. Kita ang puwet nito kaya napa-wow ang mga nakakita.
Si Marian Rivera ang unang nag-comment sa Reels post ni Dingdong Dantes ng teaser ng movie nito at ni Charo Santos na Only We Know (OWK).
Walang sinabi ang aktres, nag-post lang ng emojis ng eyes at red heart. Nag-comment din si Charo at itinag si Marian with red heart emoji.
Nakakatuwa ang comment ni Snooky Serna na kinilig siya sa teaser at sinagot siya ni Charo by tagging her with red heart emoji rin. Itinag din ni Direk Irene Villamor si Marian at maganda ang palitan ng comment ng mga netizens.
Maganda rin ang feedback sa teaser na tinatampukan nina Charo at Dingdong at marami na ang excited na mapanood ang movie kahit sa June 11, 2025 pa ang playdate.
Kundi nga, “OMG!” ay “Wow!” “Kilig” at “Can’t wait” ang comment na mababasa.
Sa feedback, comments at pagkakagulo ng mga fans, kikita ang pelikula, susuportahan ng kahit hindi fans ng dalawa. ‘DongCha’ ang tawag sa team-up nina Charo at Dingdong at nakadagdag sa ganda ang theme song na Sariling Mundo ni TJ Monterde.
Collab production ito ng Star Cinema, Cornerstone Studios at AgostoDos Pictures ni Dingdong. Rated G ito ng MTRCB for General Audience.
Samantala, nagkita-kita sina Charo, Dingdong at Marian sa 80th anniversary ng Unilab. Sabi ng mga fans, magkikita uli ang tatlo sa premiere night ng nasabing pelikula.
NAKANGITING ibinalita ni Ashley Ortega na pinadalhan niya ng mga flowers ang mom niya na three years na niyang hindi nakikita at nakakausap. Pero hindi siya nagmamadali na tanggapin siya nito agad at lumambot ang puso sa kanya, lalo na’t siya ang umalis sa kanilang bahay.
“Tamang pacing,” na ang ibig sabihin, she’s giving her mom all the time in the world na mag-sink-in na bumabalik sa kanya si Ashley.
“Siyempre I left her, I haven’t spoken to her,” sabi ni Ashley.
In fairness kay Ashley, kahit wala ang ina at sister lang yata niya ang nakakausap sa years na wala siyang komunikasyon with her mom, nakaya niya. Survivor ito, kaya mapupuri rin ang aktres. Solo siya sa kanyang condo at mga kaibigan lang ang nakakausap. At least ngayon, may Mavy Legaspi na siya na mag-aalaga sa kanya.
PATULOY na gumagawa ng ingay sa ibang bansa ang Voltes V: Legacy (VVL) dahil kalahok ang series sa Golden Horse Fantastic Film Festival sa Taipei, Taiwan.
Ipapalabas ang series sa April 13 at 17 bilang bahagi ng festival.
Bukod doon, mapapanood din sa selected cinemas sa Taiwan at Hong Kong ang masterpiece collaboration between GMA Network, Toei Company, at Telesuccess Production.
Tampok sa VVL sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, kasama rin sina Gabby Eigenmann, Carla Abellana at Albert Martinez.