ni Nitz Miralles @Bida | May 9, 2024
Pinaghahandaan na ni Heart Evangelista ang 2024 GMA Gala at sa interview sa 24-Oras, nabanggit niyang galing lang siya ng Paris para mag-fitting sa isusuot na gown sa nasabing event.
Actually, isa lang ang couture piece na isusuot niya sa event sa ipinunta niya sa Paris.
Nag-fitting na rin siya para sa kanyang OOTD sa ibang dadaluhang events.
“Four to five months kasi ‘yun, eh, so I already fitted the dress. My fitting was a couple of months ago, so it takes time talaga ‘pag ganu’n, kasi couture,” sabi ni Heart.
In last year’s GMA Gala, pinag-usapan ang suot na gown ni Heart, isang couture piece from Schiaparelli na five months palang ginawa.
Hindi nagbigay ng clue si Heart kung sino ang gumagawa ng gown na isusuot niya sa event this year.
Samantala, ifinlex ni Heart ang asawang si Sen. Chiz Escudero nang mag-post ng solo photos nito at photos nilang dalawa. Pinusuan ng mga friends and followers niya ang caption sa kanyang post na nagpakitang fashionista na rin si Chiz.
Sey ni Heart, “I’m gonna marry this man! so here we are over a decade later.”
Sumagot si Chiz ng (as is)… “Hahaha... ang kyooot ng asawa mo!!! love you right back babe!!!”
Positive man ang post ni Heart, hindi maiwasan ng iba niyang mga followers na magparinig kay Pia Wurtzbach dahil gagayahin daw ni Pia ang pagpe-flex niya kay Chiz.
Dito nagsimula ang bangayan ng mga fans nina Heart at Pia.