ni Nitz Miralles @Bida | June 6, 2024
Birthday ng panganay ni Kris Aquino na si Josh Aquino nu’ng June 4 at kabilang sa mga bumati sa kanya ay si Batangas Vice-Governor Marc Leviste.
Nag-post ito ng reels na tumatakbo sila ni Josh at sinamahan pa ng warm up. Sa Orange County yata kuha ang reels na makikitang nauna pang tumakbo si Josh kesa kay Marc.
Sa kanyang caption sa reels, ang sabi ni Marc: “Happy birthday, Kuya Josh! You light up our lives every day. Love, love, love.”
Bukod sa birthday greetings sa reels, nag-post din si Marc sa kanyang Instagram Stories ng baby photos ni Josh habang karga ni Kris. Ang caption naman ni Marc sa post niyang ito: “Happy birthday to a truly special person, Kuya Josh! Here’s to a year filled with even more love, love, love!!! & Stay sweet, loving boy kuya.”
Pinasalamatan si Marc ng mga nagmamahal kay Kris at sa mga anak nito. Ang ganda ng isang comment na “Thank you, Sir Marc Leviste for spending time with this beautiful soul” at sinundan ng “Thank you for spending time with Kris’ boys and a good father figure to them especially to Josh. What you are doing is admirable.”
Sa isang tsikahan, nabanggit ni Marc na tatapusin lang niya ang term niya ngayon as vice-governor of Batangas at hindi muna siya magpupulitika. Ito ay para maalagaan sina Kris, Josh at Bimby pati ang kanyang mga anak.