ni Nitz Miralles @Bida | Dec. 16, 2024
Balik na raw sa poster ng And The Breadwinner Is… (ATBI) sina Maris Racal at Anthony Jennings na inalis ang mga photos noong kainitan ng controversy ng cheating scandal nilang dalawa.
Tama lang naman dahil kasama sila sa pelikula, nag-shooting and for sure, willing mag-promote kung papayagan.
Sa Incognito, kasama rin ang larawan nina Maris at Anthony. Hindi pa man official poster ang aming nakikita, pero kasama sila at ikinatuwa ito ng kanilang mga fans.
Kasama sila sa ipino-promote na again, tama lang dahil kabilang sila sa cast. Nag-taping sila at for sure, willing ding mag-promote kung isasali.
Hindi naman maaapektuhan ang movie ni Vice Ganda dahil kina Maris at Anthony at lalong hindi maaapektuhan ang Incognito dahil magagaling ang kasama nila sa cast.
Saka, sa January 20, 2025 pa ang premiere ng action-packed series and by that time, humupa na ang isyu kina Maris Racal at Anthony Jennings.
May pangalan na ng karakter ni Sen. Bong Revilla, Jr. ang title ng Season 3 ng action-comedy series niya sa GMA-7. Tolome! Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis na ang title ngayon at mas focused siguro ang S3 sa paglaban ni Tolome sa mga kriminal.
Nabanggit naman ni Bong sa mediacon na mas malalaki ang action scenes at kita sa trailer na totoo ang kanyang sinabi. Ang daming pinasabog at ilang kotse na naman kaya ang pinasabog para lang mas maging kapana-panabik ang action scenes na inaabangan lagi ng mga viewers.
Ang dami ring action scenes ni Bong at mapapanood siyang tumatalon, nakikipaghabulan at gumagawa ng mga stunt na hindi niya inakalang magagawa pa dahil nga naaksidente siya.
“Laking blessing na gumaling ako at nagawa ko itong Season 3 ng action-comedy series. Kita n’yo naman, nakakatakbo ako, pero lahat, ninerbiyos, baka maaksidente na naman ako.
“Nang bigyan ako ng go signal ng doctor ko, wala na akong takot. It’s all in the mind. Akala ko, tapos na ang career ko, pero heto, nagawa ko pa rin itong show at matutuwa ang mga nag-aabang sa new season natin,” sabi ni Bong.
Sa poster ng action series, makikita sina Bong at Beauty Gonzalez na parang ikinasal o ikakasal dahil wedding dress ang suot ni Beauty at naka-suit naman si Bong. Siguro, kapag napanood na ang series, masasagot kung bakit ‘yun ang suot nina Tolome (Bong) at Gloria (Beauty).
Sa December 22, 7:15 PM na ang premiere nito sa direction pa rin ni Enzo Williams. Halos pareho pa rin ang cast, nadagdag lang sina Leo Martinez, Joko Diaz, Boss Toyo at Jillian Ward.
Hindi ang nagbabalik na Lolong ni Ruru Madrid ang itatapat sa Batang Quiapo (BQ) kapag nagtapos na ang Pulang Araw (PA). Ang Mga Batang Riles (MBR) na kabilang si Miguel Tanfelix sa mga bida ang ipapalit sa time slot ng PA.
Sa January 6, 2024 na ang premiere ng MBR, kaya sunud-sunod na ang promo ng cast. Bukod sa regional promo, bumibisita rin ang cast sa mga schools na tama lang dahil mga kabataang artista ng GMA ang mga bida sa MBR.
Kapag nakausap ang cast, tiyak na ang isa sa mga itatanong sa kanila ay kung hindi ba sila nape-pressure na si Coco Martin at ang series nito ang kanilang makakatapat.
Magandang marinig ang isasagot nina Miguel at mga kasama.
May mga namba-bash sa action series nina Miguel, halata raw na ginagaya nito ang BQ dahil mga “bata” rin sa title. Saka, action din ang series gaya sa BQ at sabi pa ng
Kapamilya fans, sana matapatan nina Miguel ang matitinding action scenes sa BQ.
Samantala, nang pumunta si Miguel sa Taiwan para sa event ng GMA Pinoy TV, bumisita ang aktor sa lugar sa Taipei kung saan kabilang sa tourist activity ay ang magpalipad ng lantern. Nakasulat sa lantern ang wish ng nagpapalipad nito.
Nakasulat sa lantern na pinalipad ni Miguel ang, “Nasa riles ang tunay na aksyon! Mga Batang Riles.”
In fairness, pinaghandaan ng GMA-7 ang MBR, dumaan sa intense training ang cast. May mga kasama silang action stars na magpapakita ng husay sa mga action scenes.