ni Nitz Miralles @Bida | July 30, 2024
Ganadong magtrabaho si Carla Abellana dahil sa positive feedback sa Widows’ War (WW). Sulit daw ang lahat ng pagod nila sa taping ng mystery murder series ng GMA-7.
Hindi raw nila nararamdaman ang pagod dahil nga sa feedback ng mga viewers.
“Lalo kaming nae-excite mag-work, sulit lahat ng pagod. Every taping day, we start it on a positive note,” sey ni Carla.
“We clap for each other (mga kasama niya sa cast). We congratulate one another, we are very grateful for the high ratings,” dagdag pa ng aktres.
Lalo pang iigting ang story ng WW kapag namatay na si Basil (Benjamin Alves) at magsisimula na ang tripleng bardagulan nina George (Carla) at Sam (Bea Alonzo). Dito na magsisimula ang mas matinding away ng mga biyuda dahil pareho nang patay ang kani-kanyang asawa nila.
Nae-enjoy din ni Carla ang karakter niyang minsan ay bida, minsan ay kontrabida. Hindi rin tuloy malaman ng mga viewers kung kakampi sila kay Carla o magagalit dito. Ganu’n din ang reaction nila sa karakter ni Bea.
Marami pang pasabog ang WW na mula sa direction ni Zig Dulay na isa sa laging pinupuri ng mga viewers, pati na ang mahuhusay na acting ng buong cast.
Samantala, hindi dumalo sa GMA Gala 2024 si Tom Rodriguez, hindi sila nagkaroon ng chance ni Carla na magkita. Sabagay, pareho naman na silang handa sakaling magkrus ang kanilang landas.
Nakapag-renew na nga si Heart Evangelista ng kanyang kontrata sa GMA Network kung saan 16 years na pala siyang Kapuso.
Bukod sa gown na suot, pinansin din ng mga netizens ang jewelry ng Global Fashion Icon dahil kumikinang. Hintayin natin ang report sa kanyang OOTD (outfit of the day), gaya ng sino ang gumawa ng gown at kung magkano ang worth nito at ng suot niyang jewelry.
Bongga rin ang setup ng contract signing ni Heart, ang ganda ng ayos ng stage at ang daming red flowers. Present din ang halos lahat ng big bosses ng network.
Naging emotional naman si Heart sa kanyang contract signing at binalikan ang araw ng lumipat siya sa GMA Network, tinanggap siya kahit hindi pa niya alam ang maio-offer niya sa network.
“I look forward to many things because with GMA, they are open to new things and collaborating with you. So, the next few years will be colorful, in fact, I feel even more colorful with the projects that I will be working with of course,” panimula ni Heart.
“I didn’t really prepare a script because I didn’t know what to expect today, but I would like to take this opportunity, I will try to make it as short as possible. I just want to thank everybody here, because naiiyak ako. Sorry, because they were with me really through the hardest times. Like when I moved to GMA, I didn’t know what to offer. They say my bosses here say that I bring so much you know life or all the praises that they would say today. But when they accepted me and they gave me one of my biggest contracts, I haven’t proven anything,” dagdag ni Heart.
Nagpahayag ng pasasalamat si Heart sa mga taong tumulong sa kanya noong walang-wala siya.
Aniya, “So maraming-maraming salamat! Every single one of you here, to my bosses sa taping, thank you so much, because talagang you were really there for me. I learned so much from all of you.”
Samantala, proud stepmom si Heart kay Chesi Escudero, ang daughter ng husband niyang si Senate President Chiz Escudero. Ipinost ni Heart sa Instagram (IG) ang parang dance recital ba ‘yun ni Chesi sa G-Force at may comment na, “Wohoooo!”
Magso-showbiz kaya si Chesi?
NAG-POST si Sarah Lahbati sa Instagram (IG) ng photos nila ni Alexa Gutierrez, ang pumanaw na bilas niya na asawa ni Elvis Gutierrez. May kasama pang photos nilang dalawa na may caption na: “Forever in my heart. My sestra... I love you.”
Sa solo photo ni Alexa, ang caption ni Sarah ay: “I can’t wrap my head around. Why, why too soon, Lex? It’s not fair.”
Samantala, ni-like rin ni Sarah ang post ni Ruffa Gutierrez tungkol sa pagpanaw ni Alexa. Hindi na siya nag-comment para walang reaction ang mga netizens, baka kasi bigyan ng ibang meaning ang pakikiramay niya.