ni Nitz Miralles @Bida | September 15, 2024
Kahit nasa Italy si Richard Gutierrez at busy sa taping ng Incognito, lagi pa rin nitong tsinetsek ang Instagram (IG) ni Barbie Imperial. Kaya, alam nito kung may mga bagong posts ang aktres na nali-link sa kanya at lagi rin niyang nila-like ang post ni Barbie.
Sa September 3 post ni Barbie sa pagpunta niya sa The Aivee Clinic, nag-like si Richard. Sa bagong post ng aktres na nasa bed at may caption na “Friday mood,” nag-like rin ang aktor.
Hindi pa nagko-comment si Richard sa mga posts ni Barbie, ‘yun ang hinihintay ng mga fans at gusto nilang malaman kung ano ang iko-comment nito.
Anyway, kasama si Barbie sa cast ng Incognito, pero parang siya na lang sa cast ang wala sa Italy. Wala rin siya sa taping sa Palawan.
Tanong tuloy ng mga fans, saan at kailan magsisimulang mag-taping si Barbie Imperial para raw magkasama na sila ni Richard Gutierrez.
IKINATUWA ng mga fans ni Ken Chan ang pagiging active niya uli sa Instagram (IG). Nagparamdam ang aktor by posting new posts three days ago na tungkol sa imaginary friends.
Ang latest post nito ay kahapon lang at kahit old photo ang ginamit niya, may ibig sabihin ang post niyang: “We fought for you, we believed in you. Thank you Cafe’ Claus.”
Ang nasabing restaurant ay isa lang sa maraming businesses na binuksan ni Ken at kung ibabatay sa kanyang caption, operational pa ito at hindi sarado gaya ng mga naibalita.
Masaya ang mga fans ni Ken na malamang he’s okay and he’s back sa IG. Ang last post kasi nito ay noong July 23 pa at ipino-promote ang Deer Claus Steakhouse and Restaurant na isa rin sa mga businesses niya kasama ang ilang kaibigan.
Operational pa nga ang resto dahil dito ginanap ang party ng Running Man (RM) finale at sa caption ng cast ng show, nakasulat na kasama nila ang owners ng resto.
Sayang at wala si Ken na matagal nang hinahanap ng kanyang mga fans. Nataon pa na wala na siya sa Abot-Kamay na Pangarap (AKNP), pinatay na ang karakter niya. Hindi na rin siya napapanood sa All-Out Sundays (AOS), kaya laking-tuwa ng mga fans nang mag-post uli siya sa IG.
May nagre-request sa GMA na ibalik ang karakter ni Ken sa AKNP na mukhang malabo na nga. Bukod sa pinatay na ang karakter niya, malapit nang magtapos ang afternoon series ng GMA-7 at magtatapos ito na ang South Korean actor na si Kim Ji Soo ang kapareha ni Jillian Ward.
UMUWI ng bansa si Lovi Poe para makadalo sa birthday party ng sister niyang si Sen. Grace Poe.
“So glad I made it back in time to celebrate your special day with you @sengracepoe! I wouldn’t miss it for the world, Ate!
“It’s so heartwarming to see you surrounded by so many people coming together to honor the incredible person that you are.
“Here’s to another year filled with joy and all the love you give back to us and the country,” post ni Lovi.
Pinusuan ni Sen. Grace ang post ni Lovi na ang natatandaan namin, laging present sa birthday ng senadora.
Bukod sa pagdalo sa birthday party ng ate niya, may ilang commitments yatang gagawin si Lovi habang narito, kaya abang-abang na lang ang mga fans niya sa mga events na gagawin at pupuntahan nito.
Para ma-afford ng fans…
JK, PINABABAAN ANG PRESYO NG TIKET SA CONCERT NIYA
Sa thanksgiving/mediacon/Christmas Party ni Cong. Arjo Atayde para sa press at vloggers, isa sa mga ini-announce ni Chuck Gomez (PR ng aktor) ay ang first solo major concert ni JK Labajo.
Ang Nathan Studios kasi ni Sylvia Sanchez and her family ang producer ng concert happening on November 29, 2024 sa SM Mall of Asia Arena (MOA).
Nabanggit na ipinaglaban ni JK sa kanyang producer na babaan ang ticket sa kanyang concert para ma-afford ng mga sumusuporta sa kanya.
Kaya tsinek namin ang ticket prices sa concert at mukhang tagumpay ang pakikipaglaban ni JK sa presyo. Ang pinakamahal ay P8,500 (SVIP area at nakaupo), at ang pinakamura ay P750 sa General Admission (GA) section.
Noon pang Sept. 13 available ang tickets kaya puwede nang mag-unahan ang mga fans ni JK.