ni Beth Gelena @Bulgary | Feb. 22, 2025
Photo: Dominic Roque at Sue Ramirez - IG officialjudayph
May sweet reaction si Dominic Roque sa cute photo ni Sue Ramirez.
Nagpadala siya ng flying kiss emoji sa photo ni Sue na naka-post sa Facebook (FB) na nagpakilig sa kanilang mga fans.
Sa FB post ay agad nakakuha ng atensiyon sa mga netizens ang magandang larawan ng aktres.
Isang fan ang nakapansin ng flying kiss emoji mula sa actor.
Maging ang vlogger na si Senyora ay nagkomento at sinabi niyang hindi man lang itinag ni Sue ang kumuha ng maganda niyang larawan.
Last November, marami ang nakakita na magkasama sa Siargao sina Sue at Dominic with their common friends. Marami ang nag-speculate na nagkakamabutihan ang dalawang Kapamilya artists.
Lalo pang napagtibay na may relasyon sila nang kumalat ang kanilang mga kuhang larawan sa event ng Angrydobo na pag-aari ng celebrity couple na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.
Ang caption nga na inilagay ni Dom: “Busog lusog kasama ang pamilya. Napakasarap! Thank youuu Nayyy!”
Sa larawan ay may nakapansin na nakapatong ang kamay ni Sue sa shoulder ng aktor.
Inamin naman ni Dom sa isang panayam na, “We’re dating. Happy naman kami together. We’re going out and ‘yun, kinikilala namin ang isa’t isa.”
Sey naman ni Sue, nag-e-enjoy siya sa company ng aktor.
Sa ngayon, wala pa ring kumpirmasyon mula sa dalawa that they are a couple already. Pero ayon sa mga netizens, hindi man sila umamin, ang actions nila ay pang-magdyowa na.
May matapang na komento si Brod Pete, na ang totoong pangalan ay Herman “Isko” Salvador, Jr., sa “carwash joke” issue nina Alex Calleja at Chito Francisco.
Sa panayam ni Ogie Diaz, sinabi ng seasoned writer at comedian-actor na sina Alex at Chito bilang mga komedyante ay channels lang na tagahatid ng jokes.
Ani Brod Pete, “‘Yang jokes are meant to be shared, to be enjoyed by as many people.
“‘Pag pinabayaan mo na ‘yan, it belongs to the world. ‘Pag binitawan mo na ‘yun, wala nang may-ari nu’n.”
Isa ring komedyante si Brod Pete at masaya raw siya kung may ibang tao na gumagamit ng kanyang jokes dahil proof daw ‘yun na ang kanyang jokes ay funny.
“May sariling buhay ang joke,” dagdag pa niya.
Diin niya, “They don’t own the jokes,” dahil ang totoo raw pinanggagalingan nito ay ang Panginoong Diyos.
Pagbabahagi pa niya, may mga jokes nga rin daw siya na napagpasa-pasahan na sa ilang henerasyon tulad ng well-known birthday greetings na, “Ang birthday wish ko, mabuhay ka hanggang gusto mo.”