ni Nitz Miralles @Bida | Nov. 8, 2024
Ang mahal pala ng “Iceberg chair” na nakita natin sa second episode ng docu series ni Heart Evangelista na Heart World (HW).
Ang halaga nito ay GBP9,710 (British pound) na kung iko-convert sa peso, aabot daw sa P735,333.45 ang presyo. Ito ‘yung chair na hindi mo hahayaang marumihan dahil mahal.
Mahal na nga, limited edition pa at mula ito sa AP Collection na isang Belgian brand.
Ikinuwento ni Heart ang story behind the Iceberg chair at na-in love agad siya nang una niyang makita. Nang finally, mabili ang Iceberg chair, ang kinalalagyan nito ang favorite spot niya sa kanyang apartment.
Sabi pa ni Heart, ang pagbili niya ng Iceberg chair ay isa sa mga paraan niya to heal her inner child.
Sey niya, “Siyempre, dahil nga inaalagaan natin ‘yung inner child natin na minsan, ‘yung inner child na ‘yan, masyadong nagwawala. Gustung-gusto ko siyang bilhin. Pero ang bigat-bigat n’ya. And then finally, noong nakuha ko ‘yung apartment ko, ‘yun talaga ang una kong kinuha.”
Walang nabanggit si Heart Evangelista kung dadalhin niya sa Pilipinas ang Iceberg chair para naman makita at maupuan ng kanyang pamilya at mga close friends.
HINDI na nakauwi si Gabby Concepcion para i-celebrate ang birthday niya rito dahil sunud-sunod ang schedule ng concert nila ni Sharon Cuneta. Pati nga si KC Concepcion, hindi na nakasama ni Gabby. Ang sister niyang si Rina, husband nito at mga relatives at ilang kaibigan ang nakasama niya sa kanyang kaarawan.
Pinasalamatan ni Gabby ang mga nakipag-celebrate sa kanyang 60th birthday noong November 5 sa Orange County, California. Pagbalik na lang siguro ni Gabby sa bansa, kahit late na ang birthday celebration niya with his family.
Nabanggit nito sa isang interbyu na nasa bansa siya sa Christmas.
Sa November 29, sa Canada magtatapos ang concert nila ni Sharon. Nasa bansa na nga siya sa Pasko at Bagong Taon.
Matutuloy na rin daw ang repeat ng concert nina Gabby at Sharon dito at P.S. I Love You naman ang title.
Anyway, 60 years old na si Gabby, senior citizen na ito, pero wala sa hitsura niya ang kanyang edad. Sa birthday greetings nga sa kanya ni KC, nabanggit na napagkakamalan ng mga tao sa States na boyfriend niya ang ama tuwing nagbi-video call sila, kasi nga mukha pang bata si Gabby.
Naalala namin ang isang interbyu sa aktor at excited itong mag-60 years old dahil sa senior discount card.
Kahit hindi kailangan ni Gabby ang discount, ang sarap pa rin sa pakiramdam na nabibigyan siya ng discount sa grocery, sa mga resto at sa pagbili ng medicines.
Universe ang turing sa BF… YASSI, REDING-READY NA RAW MAGING MISIS NI GOV. LUIGI
IN love talaga si Yassi Pressman sa boyfriend niyang si Camarines Sur Gov. Luigi Villafuerte dahil sa birthday message niya, ikinumpara niya ito sa universe.
Post ni Yassi: “Space” at sinundan ng, “Find the red dot... saw it? That’s the earth and it's just a very small part of the galaxy, but to me, you are my whole universe.
“Happy birthday, bubba @vincenzoluigi love you, forever.”
May mga hindi natuwa sa birthday greetings ni Yassi sa boyfriend dahil OA raw. May mga nagpaalala pa sa nangyari sa Siargao.
May nagsabi naman na si Yassi ang dahilan kung bakit nega ang dating ni Gov. Luigi sa ibang tao.
Pero, sa Instagram (IG) ni Yassi, positive ang reaction sa kanyang birthday message, walang nagmaasim at masaya pa ang karamihan para sa love birds.
Ang dami ring bumati sa gobernador at ang birthday wish nila, “Sana forever na kayo ni Yassi.”
Bago magkaroon ng forever si Yassi at ang boyfriend niya, kailangang ikasal muna sila. Marami na ang nagtatanong kung kailan ang kasal, at tingin nila, handa nang maging politician’s wife si Yassi.
Madalas siyang kasama ni Luigi sa mga political events nito at marunong na rin siyang magsalita ng Bicolano.