ni Nitz Miralles @Bida | Nov. 11, 2024
Sinagot ni Sue Ramirez ang comment ng isang fan na, “Enjoy na enjoy ang limelight, first time po ba?” at sagot ng aktres, “Masaya naman! Sana ma-experience mo, someday.”
Ang tinutukoy na “limelight” ng netizen ay ang pagkaka-link ni Sue kay Dominic dahil sa nag-viral na video na nagki-kiss sila. Sabi naman ng iba, naglaro lang ng “Truth or Dare” sina Sue, Dominic at mga kasama at ang dare sa dalawa ay ang mag-beso na inakalang naghalikan na sila.
Mas galit ang mga followers ni Sue sa nag-comment na nag-e-enjoy sa limelight ang aktres dahil matagal na raw itong sikat. Hindi rin clout chaser si Sue at may nag-offer pa na sila na ang aaway sa nang-away sa aktres.
Kahit walang follow-up sighting o balita kina Sue at Dominic, may shippers na sila at ang tawag sa kanila ay “DominSue” na parang Dao Ming Si. Ang cute lang. Hahaha!
Samantala, tila mabilis na naka-recover si Dominic sa isyu sa kanila ni Sue dahil nakita itong nanood ng concert ng Hillsong sa SM Mall of Asia (MOA). Kasama nito ang kanyang kapatid at mga kaibigan at sa nabasa namin, treat ni Dominic ang tiket.
WHOLE day event pala ang launching ng True FM 105.9 na ginanap sa Ynares Center, Antipolo last Saturday, November 9. May pa-zumba sa umaga na dinaluhan ng maraming ginustong magpapawis at mag-workout.
Sa hapon, nagkaroon ng job fair, tinulungan ng True FM na makahanap ng trabaho ang mga kababayan natin. May medical mission pa, free checkup at may free medicines para sa mga dumating.
Kinagabihan, isang concert ang napanood, mga banda, singers at dancers ang nagbigay ng entertainment sa mga Kapatid na dumayo sa Ynares. Worth it ang pagpunta nila sa Antipolo sa dami ng freebies.
Sa tanghali naman, ginanap ang mediacon kung saan ipinaalam na bago na ang frequency ng True FM, nasa 105.9 na sila at itinuro ng mga anchors na present sa launching kung paano hanapin ang frequency. Ipinaalam din ng mga anchors na may True TV, True Digi, at True Pods na sila, kaya kahit saanmang sulok ng mundo, mapapakinggan at mapapanood na ang biggest names sa Philippine radio sa most trusted news, public service, at entertainment programs ng True FM.
Present sa launching ng True Network sina Bro Jun Banaag, Ruth Cabal, Maricel Halili, Laila Chikadora, Ana Ramsey, Cheryl Cosim, Arnold Rei dela Cruz, at Operations Manager, Cherry Bayle. Kasama sa pag-iimbita na pakinggan at panoorin sila ang pangako na “As anchors, we promise, we will deliver.”
Susundin din nila at gagawin ang slogan ng True FM na “Tunay, Totoo, Tapat.” Hindi naman siguro pressure sa mga anchors ang sinabi ni Ms. Cherry na, “We have a great and powerhouse team. How can we go wrong?”
Friends na uli para sa anak…
MAX AT PANCHO, DIVORCED NA
Kaya pala mas relaxed na sina Max Collins at Pancho Magno na magkasama at mas open na silang makitang magkasama ay dahil legal na ang paghihiwalay nila.
Sa isang interview ng GMA Integrated News, kinumpirma ni Max na divorced na sila ni Pancho.
“We’re legally separated, it’s official na. Last month pa na-approved,” wika ni Max.
American citizen si Max, kaya she can file for a divorce at maayos ang kanilang co-parenting sa anak na si Skye. Gusto raw nilang ipakita ni Pancho na posibleng maging maayos ang relasyon nila ng ex-husband.
“And they can be like us,” sabi nito na para yata sa mga nag-aaway-away na mga ex-couples.
Featured sa isang parenting magazine sina Max, Pancho at anak nilang si Skye at nakita na masaya sila. Marami tuloy ang nag-wish na sana ay magkabalikan pa sila at mabuo ang kanilang pamilya. Iyon pala, divorced na sila.
SOLD-OUT ang tiket sa gala premiere ng Lost Sabungeros (LS) sa Gateway Cinema last Saturday. Marami pa ang gustong makapanood, pero punuan na sa loob. May screening kahapon at bukas, November 12, tiyak na punuan din.
Ang daming interesadong mapanood ang LS na hindi naipalabas sa Cinemalaya for security reasons daw. Pero, wala namang ganu’ng advice sa gala, dagsa ang tao na gusto ring malaman ang istorya ng mga missing pa hanggang ngayon na sabungero.
Matapang ang pelikula sa pagbanggit ng mga pangalan na gusto nating marinig at kung sino sila, watch the movie.
Present si Quezon City Mayor Joy Belmonte, si Nessa Valdellon ng GMA Pictures at GMA Public Affairs na producer ng movie, National Artist na si Ricky Lee, si Director Bryan Brazil at ang matapang niyang team.
Nanood din sina Jessica Soho, Emil Sumangil, Atom Araullo, Kara David na host ng Talk Back at iba pang mga taga-GMA Integrated News.