ni Nitz Miralles @Bida | Nov. 18, 2024
Kinaaliwan ng mga netizens ang caption ni Jeremy Jauncey sa photo post nila ng asawang si Pia Wurtzbach. Ang ganda-ganda ni Pia sa picture, pero ang caption ni Jeremy ay: “My wife looks nothing like this in real life.”
“Hahahahaha!” ang reaction ni Pia sa comment ni Jeremy at sumali sa katuwaan ang mga netizens sa kanilang mga comments.
Sabi ng isang netizen, “Tell him it’s because you look even better in real life” at may comment din na, “Show him who’s the boss.”
Comment ng isa pa, “That’s very husband caption.”
Pinakakuwela ang comment na, “This might be the very last photo we see of @jeremyjauncey smiling.”
Of course, nagbibiro lang si Jeremy at naniniwala ang mga fans ni Pia na mas maganda siya kapag walang make-up. Napatunayan ito sa isa nilang post na walang make-up si Pia at ang ganda pa rin niya.
And speaking of Pia, may short message ito kay Miss Universe Asia Chelsea Manalo dahil hindi siya nanalo bilang Miss Universe, “We love you and thank you @manalochelsea.”
Nagpaabot ng mensahe kay Chelsea Manalo sina Pia Wurtzbach, Michelle Dee, Vice Ganda, pati ang Miss Universe PH.
Sey ni Michelle Dee: “May agimat ang dugo natin! Mahigpit na yakap Filipinas,” at “Ipinagmamalaki ka namin @manalochelsea, you made us all proud.”
Mensahe ni Vice Ganda, “Thanks Chelsea! Have a safe flight back home!”
Pahayag naman ng Miss Universe Philippines, “You’re the brightest star in our universe, Chelsea! We are proud of you!”
Proud din naman ang majority sa mga Pinoy, hindi lang maiwasan na may mga hindi natuwa sa ibinigay na title sa kanya na Miss Universe Asia. Dapat na si Miss Thailand ‘yun dahil kasama siya sa Top 12. O, ‘di ba? May nasabi pa rin ang mga Pinoy sa title ni Chelsea Manalo.
Nabubulol sa pagsasalita…
CLAUDINE, ISINUGOD SA OSPITAL
Mababasa ang comment ni Vilma Santos patungkol kay Claudine Barretto na nasa hospital ngayon at may sakit.
Sabi ni Vilma, “Claude my baby... praying for you!!! Please, be well. I love you.”
Sumagot si Claudine, “Ate idol!!! I will call you later Ate. I’m better na Ate lalo na later once I hear your voice. I miss u & I love you. Ate, I’m scared.”
Hindi nag-elaborate si Claudine kung saan siya takot, pero parang okay nga siya dahil sa reels post, nasa wheelchair siya kasama ang anak na si Noah at nakatayo siya habang kausap ang kanyang doctor. Kasama rin sa reels ang photo niya with the doctors and the nurses at ibang nag-alaga sa kanya sa St. Luke’s Medical Center sa BGC, Taguig.
Sa naunang post ni Claudine, nabahala ang mga nakabasa dahil sa sinabing, “I just jerked & my speech was slurred. I was disoriented while they carried me back to my bed.”
Dagdag pa nito, dinala siya sa operating room at ipina-MRI. Hindi raw niya alam kung paano siya nakabalik sa kanyang kuwarto.
Comment ng mga netizens, mabuti at mabilis kumilos ang nurses, sana raw hindi siya na-stroke na mukha namang hindi umabot doon.
Dahil siguro ito sa nabanggit ni Claudine na low ang blood pressure niya, at dagdag ng netizen, baka mababa rin ang electrolytes niya. Well, dahil nakakatayo na si Claudine Barretto sa latest post niya, okay na nga siya.