ni Nitz Miralles @Bida | Oct. 4, 2024
Red ang color ng OOTD nina Rep. Vilma Santos at mga anak na sina Luis Manzano at Ryan Christian Recto nang mag-file ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) dahil pare-pareho silang tatakbo sa 2025 midterm elections.
Sa inilabas na larawan, red t-shirt din ang suot ng wife ni Luis na si Jessy Mendiola at si Sen. Ralph Recto lang ang naka-white.
Si Vilma, tatakbong governor sa Batangas. Si Luis ay tatakbong vice-governor at si Ryan ay tatakbong congressman sa 6th District ng lalawigan.
Naalala naming bigla, kung muling tatakbong vice-governor ng Batangas si Marc Leviste, sila ni Luis ang magkalaban.
Sey ng mga netizens, magiging masaya at mainit ang labanan sa posisyon ng dalawa.
Tanong naman ng mga fans ni Luis, ibig daw bang sabihin nito, iiwan na niya ang pagho-host ng game show na Rainbow Rumble (RR) dahil nga papasok na siya sa pulitika?
In fairness, marami na ang nagwe-welcome sa Batangas sa mister ni Jessy at sa papa ni Baby Peanut.
Ang saya siguro kapag magkakasama sina Sen. Ralph, Vilma at mga anak nila na sina Ryan at Luis dahil kasama na sa kanilang pag-uusapan ang pulitika.
HAHARAP si Kathryn Bernardo sa kanilang mga fans ni Alden Richards sa first mall show nila para sa promo ng movie nilang Hello, Love, Again (HLA) na bago ang kanyang haircut.
Kahapon, nagpagupit si Kathryn sa isang Korean hair salon na Zero 1 Story sa BGC at bukas naman, October 5 (Saturday), ang first mall show nila ni Alden. Sa Ayala Malls Solenad, Nuvali sa Sta. Rosa, Laguna ang first mall show ng KathDen, sa hometown ng aktor, kaya ang biruan, iuuwi raw ni Alden si Kathryn sa bahay nila.
Sabay ng mall show ang launch ng official poster ng HLA na inaabangan ng mga fans. Nasa poster daw kasi ang clue ng ending ng movie na hindi namin alam kung bakit may ganu’ng thinking ang mga fans.
Marami pang susunod na mall shows sina Kathryn at Alden. Magge-guest pa si Kathryn sa mga shows ng GMA-7.
Ini-announce na nga ni Dingdong Dantes na magge-guest ang Kapamilya actress sa Family Feud (FF) na kanyang hino-host. Inaabangan din ang aktres sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) at sana raw, mainterbyu rin siya ni Jessica Soho sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).
Siguro naman, magge-guest din si Alden sa mga shows ng ABS-CBN to promote their movie, maliban sa It’s Showtime (IS) na sa GMA-7 din ang airing.
Samantala, sa November 12 ang premiere night ng HLA at Nov. 13 naman ang simula ng showing nito. By that time, nadagdagan na ang more than 100 cinemas na paglalabasan ng pelikula na collab ng Star Cinema at GMA Pictures.
PINURI ng mga netizens si Jodi Sta. Maria dahil sa post niyang kumakain ng street food. Hindi lang bumili ang aktres ng Lavender Fields (LF), nakiluto rin siya.
Sa isang picture, siya ang naghahalo sa inilulutong fish balls at kikiam.
Sabi ni Jodi, “Who says money can’t buy happiness? For P20, may 7 pirasong chicken balls or kikiam ka na. Ang saya, ‘di ba? Kaway-kaway sa mga lumaking nakaabang kay manong para bumili ng street food pagkatapos ng klase.
“Shout-out sa team squid balls? Team fish balls? Or team BOTH!!!”
Nakakatuwang malamang maraming artista ang favorite rin ang nabanggit na street food ni Jodi. May mga followers din si Jodi na biglang nag-crave sa street food dahil natakam nang makita siyang kumakain nito.
Wala raw arte si Jodi, kumakain ng street food at nag-a-adopt pa ng stray cat at stray dog. Dapat lang daw siyang idolohin.