ni Nitz Miralles @Bida | Mar. 27, 2025
Alam kaya ni Sanya Lopez na may ilang BarDa fans nina Barbie Forteza at David Licauco na pinagseselosan siya?
May mga nagsabing crush niya si David at ramdam daw ito ng mga fans habang ginagawa pa nila ang Pulang Araw (PA). May mga nagalit sa kanya dahil doon.
At mas tumindi pa ang selos ng ilang BarDa fans kay Sanya dahil magkasama sila sa comedy movie na Samahan Ng Mga Makasalanan (SNMM). Pati ang pagdya-jogging nilang magkasama at mga posts na minsan, magkapareho ang photos ay binigyan ng ibang meaning.
Magpo-promote ng SNMM sina Sanya at David at ibig sabihin, madalas silang magkakasama. Magkasama rin sila sa premiere night ng movie bago ang showing nito sa April 19, 2025, so paano na?
Si David nga rin ang inisip ng ilang fans na tinukoy ni Sanya na idine-date niya ngayon. “Businessman” lang ang clue na sinabi ni Sanya at si David agad ang inisip ng mga fans dahil businessman ito. Lalo sigurong nagkagulo kung ang clue ni Sanya ay ‘Chinese’ businessman.
In fairness, may ilang BarDa fans na susuportahan ang movie nina Sanya at David para kumita at para masundan pa ang project ng aktor. Susuportahan din daw nila ang movie ni Barbie kapag showing na kahit hindi si David ang kapareha.
Saka, wala naman daw isyu sina Sanya at Barbie Forteza kahit break na ang aktres sa kuya ni Sanya na si Jak Roberto. Nag-beso pa nga ang dalawa nang magkita sa 75th anniversary party ng GMA-7.
Habang naghihintay pa si Bea Alonzo ng susunod niyang series sa GMA-7, magge-guest muna siya sa pang-Holy Week episode ng Magpakailanman (MPK). In fact, nag-taping na siya kasama ang child actor na si Euwenn Mikael. Hindi pa nabanggit kung ano ang role nina Bea at Euwenn na first time magkakatrabaho.
Ibinigay din ng GMA-7 ang request ni Bea na si Zig Dulay ang magdirehe ng Holy Week special ng MPK. Ang biro ni Bea, na-miss niya si Direk Zig na naging director niya sa Widows’ War (WW). Hindi nga lang si Direk Zig ang nagtapos in directing the series dahil nag-focus sa pagdidirek ng Green Bones (GB).
Kaya, babawi sina Bea at Direk Zig ngayong magkatrabaho uli sila sa MPK na hindi lang yata isang araw ang taping. Magkakakuwentuhan ang dalawa habang nasa taping. Puwede nilang pag-usapan ang streaming ng WW sa Netflix sa April na inaabangan kahit ‘yung nakapanood na nang umere ito sa GMA-7.
Kung ibibigay ng GMA ang request ni Bea, si Direk Zig din ang gusto niyang maging director sa susunod niyang series sa Kapuso Network. Yes, Kapuso pa rin siya at fake news ang kumalat na hindi na ire-renew ng network ang kanyang kontrata.
Sa next series nga ng aktres, hindi na lang siya artista dahil makikipag-collab na rin siya sa story siguro at baka mag-suggest din siya ng cast na kanyang makakasama sa susunod niyang series.
MAKIKITA at makakausap namin ang child star na si Zion Cruz sa finale media conference ng Ang Himala ni Niño (AHNN) na napapanood sa TV5. Mako-congratulate na rin namin si Zion sa pagkakapanalo niyang Best Child Performer sa 38th Star Awards for TV.
Ang cute ni Niño, pinasalamatan ang lahat ng nakatulong sa kanya at ‘yung mga tumutulong pa.
“Maraming salamat po sa PMPC Star Awards at sa lahat ng bumubuo nito, to all press people, media, sa pagbibigay sa akin ng award na ito. Thank you po sa opportunity na ma-recognize bilang Best Child Performer—sobrang saya ko po at na-appreciate n’yo ang effort ng kagaya kong baguhan,” pasasalamat nito.
Pinasalamatan din nito ang mga kasama niya sa AHNN, TV5 family at acting coaches niya, ang MQuest Ventures at Media Quest at pati ang kanyang mga fans.
Of course, pinasalamatan din nito ang kanyang family at para sa kanila ang napanalunan niya sa PMPC Star Awards for TV.
May mga nauna nang awards na napanalunan si Zion at pati si K Brosas, nanalong TV Actress of the Year. May mga nomination din si Zion at ang series sa ibang award-giving bodies.