ni Lolet Abania | May 23, 2022
Aprubado na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board V (RTWPBs) ang petisyon ng labor groups na karagdagang P55 sa daily wage ng mga manggagawa sa Bicol Region, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Sa isang statement ngayong Lunes, sinabi ng DOLE na ang dagdag sa sahod ng mga workers ay ipatutupad ng dalawang tranches – P35 kapag epektibo na ang wage order at isa pang P20 sa Disyembre 1, 2022.
Nasa P365 na ang minimum wage rate para sa lahat ng sektor sa Bicol Region. “Also, the Board issued Wage Order No. RBV-DW-02 granting a monthly increase of P1,000 for chartered cities and first-class municipalities and P1,500 for other municipalities, bringing the new monthly wage rate for domestic workers in the region to P4,000,” pahayag ng DOLE.
“The new Wage Order is expected to protect around 94,042 domestic workers. The previous Wage Order for domestic workers took effect on June 2, 2017,” dagdag ng ahensiya.
Ayon sa DOLE, ang naturang wage order ay magiging epektibo 15 araw matapos na mailathala sa diyaryo. Kaugnay nito, ang huling wage order sa rehiyon ay pinairal noon pang Setyembre 21, 2018.