ni Beth Gelena @Bulgary | Dec. 2, 2024
Photo: Kim Chiu - Instagram
Ibinahagi ni Kim Chiu ang behind-the-scenes look ng kanyang Calendar Girl shoot. Ipinost ni Kim sa kanyang Instagram (IG) account ang video with clips of her modelling for the different layouts for Tanduay’s 2025 calendar.
Ani Kim, “Becoming a Tanduay Calendar Girl is such a powerful moment for me, it’s more than just being part of a calendar; it’s about breaking barriers, owning my confidence, and celebrating every step of my journey.”
Dagdag pa niya, “I’m grateful for things that are happening to me, I’m just very lucky to experience this in this lifetime. Every step of this journey is exciting and surprising.
“Celebrate life kasi parang ang iksi na ng buhay, hindi mo alam, inire-reserve mo ‘yung big celebrations for a big event. Hindi ka aabot du’n, ‘wag naman sana! Pero siyempre, isine-celebrate bawat wins mo in life.”
Ang ibang celebrities na naging Tanduay Calendar Girls ay sina Kylie Versoza, Bea Alonzo, Ivana Alawi, Ellen Adarna, Jessy Mendiola, Heart Evangelista, at ang pinalitan niya last year na si Julia Barretto.
ANG sexy ng suot ni Maris Racal nang um-attend ng media launch ng bago niyang action serye na Incognito sa pangunguna nina Richard Gutierrez at Daniel Padilla.
Kasama rin sa serye ang ka-love team ni Maris na si Anthony Jennings at sina Kaila Estrada, Baron Geisler at Ian Veneracion.
Sa teaser pa lang na ipinakita ng Star Creatives ay masasabing pinaghandaan at ginastusan ang production cost ng Incognito.
Well, ang dami ngang nakapansin sa seksing suot ni Maris.
Paliwanag niya, “Napunit po kasi ang damit ko sa may gate, ginawan na lang po ng paraan. And thank God, maganda naman ang kinalabasan.”
Anyway, ang MaThon (Maris-Anthony) ang nakakapagbigay ng icebreak sa buong cast. Ang role ni Maris ay isang spy na si Gabriela. Lahat ay kanyang ginagawa makakuha lang ng info sa mga kalaban kahit may times na pati ang sarili niya ay kanyang ipinapain.
Ang role naman ni Anthony ay may kulang sa pag-iisip na si Tomas. Hindi raw siya nakagradweyt pero isinama sa grupo ng mga private military.
Ayon kay Anthony, nag-e-enjoy siya sa kanyang role dahil marami siyang first time na na-experience sa Incognito.
Sey naman ni Maris, challenging sa kanya ang pagiging spy. Ibang-iba raw sa karakter nila sa Can’t Buy Me Love (CMBL) bilang sina Irene at Snoop, kung saan nabuo ang kanilang love team na SnooRene.
Kapansin-pansin na tila at ease na sa isa’t isa ang dalawa.
Hindi pinayagang mainterbyu nang one-on-one ang mga cast na nakaupo sa panel. Pero lahat sila ay enjoy naman sa kani-kanilang karakter.
Dumaan daw silang lahat sa masinsinang pagte-training na umabot ng four months.
Ang Incognito ay unang mapapanood sa January 17, 2025 sa Netflix. Mapapanood din ito sa iWantTFC at sa free TV.