ni Beth Gelena @Bulgary | Nov. 9, 2024
Photo: Mayor Niña Jose-Quiambao - FB
Muling nabuksan ang ‘palitan ang mic’ issue noong nakapanayam ni Ogie Diaz ang dating aktres at ngayo’y alkalde ng Bayambang, Pangasinan na si Mayor Niña Jose-Quiambao.
Nabatikos kasi ng mga netizens ang alkalde nang papalitan niya ang mic habang nagsasalita dahil umano sa mabahong amoy nito, kaya may ilang nagsasabi na maarte siya.
Ayon kay Mayor Niña, nagpakatotoo lang daw siya sa pagsasabing ‘mabaho’ ang gagamiting mikropono sa naturang flag ceremony nila sa kanilang munisipalidad.
Pagbabalik-tanaw na pahayag niya, “Meron kasing nang-edit nu’n, hindi ko na lang papangalanan pero alam mo naman kung sino. Meron kasing nagplano ng masama towards me, i-sabotage ako, paninirang-puri."
Pahayag pa niya, “In-edit nila ‘yung video to make it seem like napakaarte kong tao, which is true, maarte po talaga akong tao, inaamin ko ‘yun!"
Bagama't inamin niya ito, nilinaw ng alkalde na hindi nangangahulugang masama siyang tao.
Kuwento niya, “Maarte ako pero hindi ako mapagmatang tao. I’m just being real, pero it doesn't mean to say na maarte po ako na hindi ako mabait na tao and hindi ako tumutulong sa kapwa ko. Innate na po ‘yun sa ‘kin, itinuro po sa ‘kin ‘yun ng mommy ko na kailangan mong tumulong sa kapwa mo, kailangan mong mag-give back, kailangan mo to pay it forward.
“Pero humingi naman ng tawad ‘yung tao. Hindi ko lang alam kung sincere s’ya.”
Aminado si Niña Jose na labis siyang naapektuhan sa issue, pero sa tulong ng kanyang pamilya at mga taong tunay na nakakakilala sa kanya ay nawala ang guilt niya.
Aniya, “Dati du'n sa mic, honestly Mama O, I wanted to die na, I wanted to give up. Sinasabi ko kay Cezar ‘yun, pero sinabi n’ya sa 'kin na, ‘No! You’ll be okay, you’re strong. Marami ka pang pinagdaanan kesa rito. ‘Yung mga umaaway sa ‘yo, hindi naman nila alam ‘yung tunay na ikaw.'”
Humingi rin ng tawad ang alkalde sa mga taong kanyang nasaktan.
Mensahe niya, “I just want to apologize po if may mga na-offend ako na tao with what I’m saying or with that. I don’t mean any harm. I don’t mean any intention na mang-apak ng tao because number one rule po ‘yan sa ‘min na bawal mang-apak ng tao. 'Yan ‘yung isa sa mga natutunan ko sa mommy ko.”
SA isang panayam kay Dia Maté, ang girlfriend ni Juan Karlos Labajo o mas kilalang JK, natanong ito about a tricky relationship question kung sino ang mag-i-initiate ng breakup.
Something like this ang tanong, “Maiwan or maiwanan?"
Ani ng beauty queen, “For me, it’s a double-edged sword. It depends on the situation. If you are to be broken up with, it’s an easier situation because it’s easier to move on because it's not your doing.
“You leave the relationship knowing that it wasn’t your time and it’s not what they wanted and you can move on and make peace with that.”
Ang pakikipag-breakup daw, kailangang may strength and courage.
“But if you are the one breaking up with the person, it’s taking so much strength to end something because some things are not right for you.
"So, it really depends on the person. But ako naman, I would rather have a peaceful separation,” esplika pa niya.
Sa ngayon, wala naman daw silang problema ng kanyang singer boyfriend. Going strong ang kanilang relasyon at hindi niya iniisip na may mang-iiwan o iiwanan either sa kanila ni JK Labajo.
Magkaiba man ang kanilang career, pareho nilang sinusuportahan ang isa’t isa.
Bongga!