ni Beth Gelena @Bulgary | Oct. 9, 2024
Photo: Kylie Padilla at Aljur Abrenica - IG - Circulated
Viral ngayon ang isang Facebook post ni Kylie Padilla na pinaghihinalaang patutsada niya sa estranged husband na si Aljur Abrenica.
Papasukin na rin kasi ni Aljur ang pulitika at nag-file ito ng Certificate of Candidacy (COC) para tumakbong konsehal sa Angeles City, Pampanga under former PNP Chief Oscar Albayalde’s lineup.
Post ni Kylie sa kanyang Facebook (FB) page:
“A good indicator of a great leader is a man who can lead his family. That is his first unit, his first community. A man who raises his kids with good values, integrity, and humility. A man loyal to his wife and remains true despite obstacles. A man who has a heart close to God. Service is about what you can do for others, not what they can do for you.”
Walang pinangalanan ang Kapuso actress, ngunit ang assumption ng mga netizens ay para ito sa kanyang ex-husband.
Maraming um-agree sa post ni Kylie dahil ayon sa kanila, ang pagiging epektibong lider ay nagsisimula sa tahanan.
“Leadership is learned and applied in a home setting, and other skills will follow, such as determination, a strong sense of independence, honesty, being pure in intentions, and others,” komento ng isang netizen.
Magsasamang muli sina Bela Padilla at JC Santos sa sequel ng 100 Tula Para Kay Stella (100 TPKS).
Sa Instagram (IG) ng aktres, may post siya na: “Never in my life have I been more…sure.”
Ang pelikula, na ipinalabas noong 2017 ay tungkol sa tula at nakasentro sa iba’t ibang uri ng pag-ibig – selfish love, unconditional love, friend zone love, “filial” kind of love, atbp., ngunit hindi tungkol sa unrequited love.
Ang sequel ay produced ng VIVA Films at Ninuno Media.
IBINIDA ni Pia Wurtzbach ang construction ng isang bonggang bahay.
Sa Instagram (IG) Stories ng former beauty queen, ishinare niya ang mga larawan ng bahay na under construction at personal niyang itsinetsek ang ilang parte.
Ayon sa kanya, malapit na raw matapos ang proyekto. Hindi naman niya sinabi kung kaninong bahay ang ipinapagawa.
Simple lang ang kasuotan ng 2015 Miss Universe — casual wear na simple white top, shorts, at sneakers.
Ang kanyang caption: “Not long now,” at pinasalamatan si Arch. Paul Peña.
Dagdag pa niya, “Progress check.”