ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 9, 2021
Aminado si Toni Gonzaga na takot siyang malaos noong nasa peak ang kanyang career.
Pero noon daw 'yun, nu'ng kanyang kabataan pa, lalo na nang pumasok siya sa showbiz na wala pa siyang name.
Sa ngayon, si Toni ay isa nang mahusay na TV host at naging in demand din sa mga pelikula.
Maging sa mga commercials ay naging in demand siya. Katunayan, kasagsagan ng kanyang TV at movie career ay umaalagwa rin siya sa paggawa ng kaliwa’t kanang mga commercials.
Halos oras-oras ay napapanood siya sa mga commercial gap na nag-eendorso ng malalaking produkto.
Ang maganda lang kay Toni, kahit naging successful siya ay hindi lumaki ang kanyang ulo.
Pero kahit sikat na siya ay insecure pa rin daw siya sa sarili.
Ani ng Multimedia TV host-actress, “When I was younger (takot ako malaos), oo. Laging ‘yun ang panakot sa ‘yo kapag ayaw mo tumanggap ng trabaho or kapag tatanggi ka sa gig. Laging iyan ang panakot sa ‘yo when you’re younger. As you grow old, you choose the people you will listen to. Pinili ko na. Mapapagod ka, eh.”
Nawala lang daw ang kanyang takot nang mag-mature na siya.
“'Hay naku, malalaos ka.’ Bigla ka na lang magsasalita sa sarili mo, ‘Eh, di malalaos talaga.’ Inevitable naman iyan, eh,” lahad ng TV host-actress.
Para kay Toni, may reason kung bakit ang mga artista ay hindi agad-agad sumisikat sa umpisa.
Natutunan daw niya ang maging komportable at ang posibilidad na tanggapin kung siya ay magiging laos na, dahil ang pagiging laos daw, sa sarili mismo manggagaling kung paano ito titingnan at tatanggapin.
“'Yung pagiging laos is a matter of how you look at it,” sambit ni Toni.