top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 9, 2022



Eleksiyon na ngayong Lunes (May 9), pero kumuda pa rin si Angelica Panganiban hanggang sa last minute.


May mahaba siyang hanash na naalala raw niya nang itanong sa kanya kung okey lang daw bang gumawa siya ng 'vote wisely' video.


Agad naman daw siyang sumagot ng, "YES! para ito sa Pilipinas. Para sa mga kabataan. Sa magiging anak ko."


Wala raw siyang kaalam-alam na nagdadalang-baby na pala siya nu'ng ginagawa nila ang video.


May mga kaibigan daw siya at kapamilya na natakot para sa kanya nu'ng ginagawa niya ang video.


Pero, ‘di raw siya natakot dahil para sa kanya ay tama ang ginagawa niya. Gagawin daw niya ang lahat para sa bayan at ngayon ay para sa anak niya.


Kaya panawagan ni Angelica, "Sana, kababayan, ikaw din. Ikaw din tumindig. Sana, ikaw din, maintindihan mo ang karapatan mo at gamitin ito sa tama. Ngayon, may pagkakataon ka nang lumaya. Tara na... ipanalo na natin ito."


Sabi ng mga netizens, si BBM daw ang pinatutungkulan ng aktres sa kanyang video. Kaya may nagkomento, "Good luck. Ang Diyos ang nakakaalam kung sino ang nagsasabi nang totoo."


Sumagot si Angelica, "Alam po Niya. Hindi po TikTok at Facebook ang nakakaalam.


"Vote wisely nga.”


"Yes, please, ‘wag sa magnanakaw," tahasang sagot pa ng aktres.


"BBM-Sara," sabi pa ng netizen.


"Leni-Kiko," sey naman ni Angge.


"‘Wag sana kayo maninira sa kapwa tao... kung ikaw ba ang may kasalanan, tapos anak mo ang sisihin, masaya ka ba?"


Matapang ang sagot ni Angelica, "Wala po akong sinisiraan. Nagpapaalala akong ‘wag tayong magpabudol at ‘wag tayo sa magnanakaw. Kulang pa nga po ‘yan... ‘wag din po sana tayong bumoto sa may utang, sinungaling, may inaapi, may pinapatay. Napaka-general po ng paalala... ‘wag kang affected masyado. Walang sinisiraan dito, pagmamahal lang."


Kuda uli ng netizen, "Ninakawan ka ba?”


"Parehas tayo… sad, ‘no?" sagot ni Angelica na ikinahagalpak nang malakas ng mga netizens.


"Natawa ako sa last, ‘yung ninakawan ka ba? Yes, parehas tayo, sad, ‘noh? HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"


"Tawang-tawa rin akooooo, LOL."


Advise naman ng isang concerned netizen kay Angelica, "Daming oras ng buntis. Huwag po magbabad sa social media, bawal ang stress sa buntis, lalo na kay baby."


 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 8, 2022



Paano nga ba na-meet ni Donita Rose ang "man of her life" na si Felson Palad?


Ani Donita sa isang panayam, "I met Felson at an Artist in Touch Christian event. He noticed that I was so hungry, so he kept passing me food. Then, he got my number from our friend and started messaging me. He said he had been praying for me and wanted to ask me out on a date. I said I was busy at work. But he insisted that I needed to unwind.


"The second time we met was to watch Rufa Mae Quinto’s concert. Felson offered to pick me up (and me not knowing that he lives 2.5 hours away). I wasn’t thinking of anything romantic other than that. He was a brother-in-Christ, and that I was like an ate to him, since I’m 10 years older."


Kuwento pa ng dating aktres, "He shared his testimony, and I was blown away by how honest he was. By the end of the evening, I was already super comfortable with him, knowing that we shared the same beliefs."


Nu'ng magkahiwalay na raw sila ay humiling si Felson na muli silang lumabas.


"But I told him that I wasn’t comfortable with the age difference and that I just wanted to be friends first. We started talking on the phone every day..." kuwento pa ni Donita.


Nang muli raw silang magkita ay para silang mga teenagers, "Who didn’t know how to act in front of each other? We were blushing and laughing at how silly we looked. He asked if he could hold my hand. Then, he said very seriously that he was in love with me and wanted to marry me."


"That was only our first date, but instead of scaring me away, it brought me so much comfort to know that he was clarifying his intentions from the very start. I was a little scared, but in hindsight, I would not have given him the time of day if he hadn’t because I would have assumed that, at his age, he was still playing around.


"The last thing I wanted for myself was to get into a relationship that wasn’t geared for marriage. I was afraid to fall in love again, but this gesture eased my fears. I’m excited for what is to come."


Ano bang lesson ang maia-apply niya sa nakaraang relasyon niya?


"In my first marriage, I kept a lot of record of wrongs in my heart that built up — and it was affecting our marriage. I didn’t realize back then how detrimental it was to give your partner the silent treatment. I was being prideful and passive-aggressive, which was equally hurtful as being verbally abusive.


"I know now that pride can cause your partner to feel rejection, lacking the love and respect they need to keep the romance alive. I’ll make sure that this time around, I will do my best to practice true love the way the Bible commands us to and to keep the lines of communication open."


Masaya si Donita sa kanyang bagong love at sana raw, if mapupunta sa kasalan ang kanilang relasyon, ayaw na niyang maulit ang nangyari sa kanyang first marriage life.


 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 7, 2022



Last minute ay lumitaw na si Arci Muñoz para ikampanya ang sarili bilang konsehal ng Cainta, Rizal.


Kung dati ay napakaglamoroso ng Kapamilya actress sa harap ng kamera, isang simple at hindi mo aakalaing artista ang tumambad sa mga tao sa kampanya.


Ito ang una at huling kampanya na ginawa ni Arci para sa sarili.


“Hindi po ako si Darna, pero ako po ay isang sergeant at trained reservist ng Philippine Air Force. May magagawa po ako para ma-obtain ang peace and order sa Cainta,” ani Arci.


“At magiging boses ako ng lahat ng kababaihan!” dagdag pa niya.


Well, malalaman natin pagkatapos ng halalan kung binigyan ng tiwala ng kanyang mga kababayan si Arci Muñoz.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page