top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 12, 2022



Sa bagong uploaded vlog ni Herlene Nicole Budol a.k.a. Hipon Girl ay makikitang kausap niya si Willie Revillame, ang kanyang mentor sa pagiging celebrity.


Binigyan ng advice ni Kuya Wil si Herlene tungkol sa beauty pageant.


Matatandaang nakapasok si Hipon Girl sa Top 40 ng Binibining Pilipinas 2022 pageant.


Ang payo ni Kuya Wil sa dati niyang lady co-host sa Wowowin, “Be yourself. Kung ano ka, kung ano 'yung sinimulan mo sa Wowowin, 'yun ka. 'Pag tinanong ka na mag-English, (dapat) meron kang interpreter."


Pero bumawi rin ito, "Joke lang 'yun, pero be yourself.”


Nagbigay pa siya ng example ng sasabihin, "I am Filipina. Gusto ko, sagutin 'to na para maintindihan ng aking mga kababayan. Hindi pa naman ako winner. Gusto kong sumagot ng kung ano ako at kung ano'ng dapat nilang maintindihan."


Ayon naman kay Herlene, Tagalog ang salitang gagamitin niya sa pageant.


Sabi pa ni Kuya Wil, “Panoorin mo si Pia (Wurtzbach), the way she answers, si Catriona (Gray), si Gloria Diaz. Panoorin mo sila lahat, kung paano sila sumagot.”


 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 11, 2022



Pinagpipiyestahan ng mga Marites ang picture ni Cong. Vilma Santos-Recto na may hawak na balota.


Katatapos lang bumoto ni Ate Vi at tsinetsek niya ang resibong lumabas sa VCM (voting counting machine) kung tama ba ang nakalagay na mga napili niyang kandidato.


May paparazzi na nakunan siya ng photo na ngayon ay isinu-Zoom-in ng mga Marites.

Trending ang nasabing picture ni Ate Vi dahil nag-switch daw ang Star for All Seasons kay VP Leni base sa nakitang last name nito for president na may black shade ng aktres-pulitiko.


Actually, hindi naman daw sinasadya ang nasabing rebelasyon. May mga fans daw na nasa paligid ng presinto niya ang kumuha ng picture, ikinalat ito at talagang naka-zoom-in pa. Wala yatang folder na naka-cover sa balota ni Ate Vi.


Nauna na raw kasing nabanggit ni Ate Vi na si Manila Mayor Isko Moreno ang susuportahan niya.


Naispatan naman daw na si Dr. Willie Ong ang binilugan niyang pangalan sa pagka-bise presidente.


Naku! Tiyak na kukuyugin ng katanungan si Ate Vi kapag natiyempuhan ng press people ang congresswoman ng Lipa, Batangas.


Si Ate Vi ay bababa sa kanyang puwesto ilang araw na lang mula ngayon. Last term na niya at nagdesisyon siyang titigil muna sa pulitika.


 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 10, 2022



Isa si Charlie Dizon sa mga hinahangaan sa showbiz industry dahil in her own shoes ay nakagawa siya ng sarili niyang pangalan.


Naipakita niya ang husay sa pag-arte sa Fangirl na pinagbidahan niya at naging winner bilang Best Actress sa Metro Manila Film Festival nu'ng 2020.


Sa TV serye niyang Viral Scandal na umaariba sa rating, sinabi ni Charlie na very proud siya sa programa.


"Proud na proud ako na nagawa ko ito," ani Charlie.


Ang laki raw ng naitulong sa kanya ng Viral Scandal para mas maging better actress.


Aniya, “Sobrang meaningful and sobrang memorable kasi tulad nu'ng sinabi ko ru'n sa Fangirl, ang dami kong ginawa ru'n na first time kong ginawa and also dito sa Viral Scandal, ang dami kong natutunan din pati sa sarili ko. Ang dami kong na-experience na nakaka-challenge and masaya ako na sila 'yung mga nakasama ko during those times kasi sobrang giving lahat and sobrang passionate ng lahat.”


Pagpapatuloy pa niya, “Ang laki rin ng tinransform sa akin ng Viral Scandal. Feeling ko, may nagbago sa akin talaga. I became stronger, mas naging open 'yung mind ko sa mga nangyari sa paligid, sa social issues. Masasabi ko na proud na proud ako na nagawa ko itong Viral Scandal and naging part ako ng show na ‘to at nakasama ko lahat ng kasama ko rito.”


Pinasasalamatan din ni Charlie ang mga manonood ng kanilang programa kung saan leading men niya sina Joshua Garcia at Jameson Blake.


“Sobrang thankful ako na silang dalawa 'yung nakasama ko sa show. Si Jameson kasi, nakasama ko na rin siya sa ibang shows. For Joshua, ngayon ko lang siya naka-partner. Thankful ako na tinanggap talaga ng mga tao 'yung team-up namin, ang aming Team Kyle at Team Axle.


"Nakikita ko 'yung mga reactions sa Twitter, sa Instagram, Facebook, sa lahat. Grateful ako na nakasama ko sila and mababait talaga sila sa akin.”


Ayon pa sa aktres, sana raw ay makatulong ang kanilang teleserye sa mga naaaping kababaihan lalo na sa mga nabiktima ng rape.


“Dahil sa pamilya Sicat, ipinakita na grabe 'yung support system na ipinakita nila kay Rica. Kumbaga, kahit anong mangyari, kahit nagkagulo din 'yung pamilya namin, kami-kami pa rin 'yung magkakasama in the end.


"With every victim, naaapektuhan din 'yung buong environment ng victim and du'n ka rin makakakuha ng support system. 'Yung kahit anong mangyayari, sila at sila pa rin 'yung babalikan mo.


"For Rica, masuwerte siya na 'yung pamilya Sicat ay sinuportahan siya at ibinuhos 'yung pagmamahal sa kanya lalo na nu'ng mga times na nahihirapan sila,” esplika ni Charlie.


One week na lang at matatapos na ang Viral Scandal. Ayon kay Charlie, may another project daw silang pinag-uusapan pa.


“Of course, sobrang excited ko pa rin sa lahat ng gagawin ko. Hindi ko pa rin alam kung anong ie-expect and talagang gusto ko lang naman lagi, maibigay 'yung best ko in every project. Gusto ko, kumbaga, laging tumatatak 'yung bawat project na gagawin ko. 'Yun 'yung gusto kong mangyari sana and kung papalarin, sana, ibigay.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page