top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary| June 23, 2024


Showbiz News
Photo; NicePrintPhoto / IG

Viral ang video ng birthday message ni Andrea Brillantes para kay Kyle Echarri na nag-celebrate ng 21st birthday last June 20.


Isa ang young actress sa mga um-attend at nahingan ng mensahe para sa birthday celebrator. 


Na-capture ito ng Nice Print Photography at ipinost sa Instagram (IG) ang speech ni Andrea. 


Ani Blythe, “Happy birthday sa 'yo. Kilala na kita since Showtime. Sa mga hindi nakakaalam, isa sa mga first memory ko sa kanya ay sa It's Showtime. Magkalaban kami sa dance contest, inis na inis ako kasi s’ya ang nanalo. Pero mas maganda ang performance ko kasi mas dinibdib (sabay turo sa kanyang dibdib na ikinatawa ng mga bisita ni Kyle) ko ‘yun, dinibdib ko talaga ‘yun, pero mas ginawa ko naman ang best sa performance ko.


“But I’m so happy for you kung nasaan ka na ngayon. Alam ko, pinaghirapan mo ‘yan. I'm happy for you Mister Bida. Bida na kasi s’ya, eh. I’m always here, your friend. Happy birthday.”


Agad na nag-viral ang nasabing video. 


Komento ng mga netizens, “Nakakakilig naman KyleDrea (Kyle at Andrea). Happy birthday, Kyle Echarri. Thank you @Niceprintphoto for sharing this video to us Kyledrea fans.”

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 14, 2022



Nakakatuwang pagmasdan ang magdyowang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla habang nagdidiskusyon sila about marriage, kaharap ang tatlong mahuhusay na direktor na sina Cathy Garcia-Molina, Mae Cruz-Alviar at Olivia Lamasan.


Sila ang naging dahilan kung bakit lahat ng proyektong ginagawa ng KathNiel ay laging nakakapagpakilig sa mga fans. Saksi rin sila sa nabuong pagmamahalan ng dalawa. Natanong ang celebrity couple kung ready na ba silang magpakasal sa topic nilang "2 Good 2Gether".


Ang bilis ng sagot ni DJ, “Ready na ako.”


Natanong din sila how they see themselves in another 10 years.


Si Kath ay 26 years old at 27 naman si DJ.


“Ang dami pang mangyayari,” sagot ng aktres. “Imagine, 36 na ako by then.”


Dagdag pa ni Kath, “‘Pag 10 years? Siyempre, meron na.”


“Meron na,” sang-ayon naman ng aktor.


“Iyon din. Iyon na ‘yung ultimatum ko — ‘pag hindi pa ako ikinasal, Kathryn, ‘pag ayaw mo pa, ayoko na!” biro niya sa girlfriend.


Pero, biglang nagseryoso si Daniel, “Iyon na ‘yung next chapter ng buhay namin. Kailangan na… Ten years na kami rin. Iba ‘yung kasal. After that, you build a house together, build a family together.”


Dagdag naman ni Kathryn, “Iyon na ‘yung magsi-seal sa inyo.”


“Ako, kasi, looking forward na rin ako doon. Kasi, ano pa bang ano ko sa buhay ko? Twenty-seven na ako. What’s next — sa aming dalawa?” susog naman ng aktor.


Masyado pa rin naman daw bata ang edad 27, sey naman ni Direk Cathy.


Sagot ni Daniel, “Masyadong mabilis lalo ang panahon. Ang bilis talaga.


“At saka, dati pa naman, 16 at 17 years old pa lang kami, pinag-uusapan na namin ‘yan. Now, we’re here. What’s the plan after three or two years?”


Ibinahagi naman ni Kath na originally, ang intention nilang edad para magpakasal ay ang current age nila.


“Nagmu-move. Dapat, 26, ang bilis pala,” sambit niya.


“Dapat 28, pero hindi pa pala ‘yun,” dagdag naman ni DJ saka bumaling kay Kath at sinabing, “Treinta, usapan natin. Hindi na mamu-move ‘yun.”


Nag-disagree naman ang girlfriend, “Dapat 'pag ready tayong pareho. You can’t say that to me, kasi ‘pag marriage, dapat, pareho tayong ready. Alam mong hindi pa tayo ready ngayon. Kailangan pa nating aralin ang buhay, kung paano.”


“Baka ikaw ang hindi pa ready,” sagot ni Daniel kasunod ang “Ready na ako."


 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 13, 2022



Ayon sa misis ni Billy Crawford na si Coleen Garcia, maaga siyang nagising at naghanda para maagang makaboto nu'ng May 9 elections.


Kuwento ni Coleen sa kanyang Instagram account kung saan ipinakita pa niya ang isang daliri na may indelible ink, “I wish I looked fresh in my selfie. I wish I could also say it took me 5 [to] 10 [minutes] to vote but [to be honest], yesterday was [sh*t],” bungad niya.


Dismayado ang first time voter na si Coleen sa naranasang proseso ng botohan.


“The frustrating part is we rarely got updates. Kawawa ‘yung mga nagbabantay. (The voting officials were pitiful) [because] even they were left in the dark. They were told at 12 noon that the SD card was being brought in from Laguna, then silence. No one was replying to them for hours [and] they were stressed [as f*ck].”


Saad pa niya, “People were slowly giving up, leaving the venue in tears [and] frustration, [and] how can you blame them?


“It’s like being worn down. Waiting is one thing, but being kept in the dark is another.”


Dumidilim na raw kaya nagpasya na siyang umuwi dahil kailangan na niyang i-breastfeed ang anak.


“I can’t explain the feeling but it was so heavy. I left with my head hanging low, feeling not only frustrated but also defeated [and] that’s just me. I could only imagine all the others who stayed until God knows what time."


Despite sa aberyang pinagdaanan, happy si Coleen dahil nakaboto na siya.


Huling sabi niya, “All I can say now is, yes, we are slowly waking up. Yes, we are slowly trying to reclaim our power [and] restore peace [and] justice but sometimes it feels like there are things far bigger than us that we can’t just control.


“It may not take one day, one year, one election or even one presidency but I urge you all to continue to fight for us.


“It will take continuous effort, continuous change and we will get there.”


Sa mga sinabi ni Coleen, masasabing Kakampink supporter siya.


Pero sana, 'wag muna nating husgahan ang bagong uupong presidente ng Pilipinas.

Hindi pa nga siya naipoproklama, pero kung makabengga ang mga hindi pabor sa kanya ay pinangungunahan agad siya.


Para po sa kaalaman ng lahat, ang tao ang bumoto kay BBM.


At 'di po ba may kasabihan tayo "Ang kasalanan ni Juan ay hindi kasalanan ni Marya?"


Bigyan natin ng pagkakataon na maipakita ni BBM ang sinasabi niyang unity na nawala na sa mga Pilipino.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page