top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | Oct. 13, 2024



Photo: Annabelle at Ruffa Gutierrez - IG


Umalma si Ruffa Gutierrez dahil fake news umano ang kumalat na sinabi ni Annabelle Rama tungkol kay Paulo Avelino.


Sey raw ni Annabelle, hindi niya gusto si Paulo para kay Janine Gutierrez. Mas gusto raw niya si Jericho Rosales para sa aktres.


Ayon kay Ruffa, walang ganu'ng sinasabi ang kanyang ina.

Ini-screenshot pa ng former beauty queen ang account na nagpapakalat ng fake news.


Umaapela si Ruffa na i-report at i-block ang account na nagpapakalat nito hinggil sa kanyang ina.


Aniya, “FAKE NEWS ALERT!!! BLOCK & REPORT THIS ACCOUNT! I just asked my mom about this HEADLINE and she said, ‘Pakialam ko sa kanila! Busy ako, ‘Day!’ Korek!”


 

TINAWAG ni Gregg Homan ang misis na si Angelica Panganiban na “bionic.” 

Sa Instagram (IG) ni Gregg, aniya, “Flex ko lang, ‘bionic’ na asawa ko.”


Ang medical term na “bionic” ay nangangahulugang may parte sa katawan na  artificial. 


Matatandaang si Angelica ay sumailalim sa hip core decompression surgery last July. 

Successful naman ang surgery operation ni Angge kaya pinasalamatan ni Gregg ang mga netizens at kanilang mga kaibigan na nagdasal para sa kaligtasan ng asawa.

“Thank you for all the prayers, friends,” ani Gregg.


After nga ng operation ni Angge last July, sinabi niyang bit conscious siya nu’ng una about having the surgery, pero dahil sa tapang niyang labanan ang sakit ay napagtagumpayan niya ang operasyon.


“Hi guys! It’s been a week since we had our surgery journey! We feel a bit anxious about it, but yeah, through prayers from our families and friends nalagpasan namin!” 


Nagpapasalamat din siya sa mister niyang si Gregg dahil inalagaan siya nito nang husto.

“I’d also like to acknowledge my very good husband na grabe ang pag-aalaga! Thanks, Hon. Alam mo na ‘yun. First time na pareho kaming wala ni Gregg, we missed our Baby Amila.” 


Sa ngayon, happy na ang aktres dahil wala na siyang inaalala sa nararamdaman niyang sakit noon.


Ayon kay Angge, ang nagpapalakas daw ng kanyang loob para malagpasan ang mga pagsubok na dumating sa kanyang buhay ay ang anak nilang si Amila at ang kanyang mister na si Gregg Homan.


 

ISANG “kalokalike” ni Denise Laurel ang naging contestant sa It’s Showtime (IS) kamakailan.


Nagkamali yata ng pag-mention si Vice Ganda ng “Deniece.” 

That time ay isa sa mga hurado si Denise kaya naaliw siya at na-amuse dahil ang laki ng resemblance nila ng kanyang kalokalike.


Natawa ang aktres nang ipakilala ni Vice ang kanyang kamukha kay Vhong Navarro at tinanong ito ng “How well do you know Deniece Cornejo?”


Medyo nagulat si Vhong, pero in-approach naman siya ng real Denise Laurel sabay hug sa kanya.

Ani Vice, “Naglamigan!”


Ang joke ni Vice ay referring sa legal battle ni Vhong kay Cornejo over what happened in a condo many years ago. 


Nalinis na ni Vhong Navarro ang kanyang pangalan, kung saan na-acquit siya sa kasong isinampa ni Deniece Cornejo sa kanya.

 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | Oct. 11, 2024



Photo: Ivana Alawi / TikTok / SS


Nagbahagi si Ivana Alawi ng kanyang opinyon hinggil sa pagpasok niya sa pulitika sa isang TikTok video. Habang kumakain ay sinabi ng sexy actress na may mga nagtatanong sa kanya kung tatakbo raw ba siya.


Aniya, sana ay suportahan siya ng mga netizens sa kanyang desisyon na huwag tumakbo. Kahit naman daw hindi siya pumasok sa pulitika ay maaari pa rin naman siyang tumulong. Hindi raw nangangahulugan na porke’t maraming followers ay dapat nang tumakbo, lalo’t wala naman daw siyang kaalaman sa larangan ng pulitika.


Sey niya, “Puwede kang tumulong kahit hindi ka pulitiko.”


Dagdag pa niya, mahalagang magkaroon ng kaalaman at kakayahan sa pulitika bago pumasok dito, at hindi niya nais ilagay sa panganib ang Pilipinas. 


Nagbigay din siya ng paalala sa mga botante, “Kapag boboto kayo, please vote wisely.”  Tama ka d’yan, Ivana Alawi! 

 

IPINA-TATTOO ni Kyle Echarri sa kanyang likod ang mata ng namayapang kapatid.

Aniya sa caption ng kanyang post sa Instagram, “She’ll be looking over me forever.” 


Pumanaw ang kanyang sister sa edad na 12 nang ‘di na nito kinaya ang paglaban sa brain tumor.


Sey pa ni Kyle, “My angel has already been looking over her Manong for a while now… now I can say she’ll be looking over me forever.” 


Komento ng mga IG friends and followers ni Kyle…

“BEAUTIFUL!!!” ani ng producer na si Ranvel Rufino. 

“Hey Bella, you havin’ fun watching,” saad ng isang netizen. 

“Wow, Bro!,” sabi naman ni Kimpoy Feliciano.

“So niceee,” hirit ng director na si Gino Santos. 

“So beautiful,” pakli naman ng events stylist and florist na si Ginger Gaddi.


What a beautiful tattoo, Kyle Echarri!


 

VERY loving grandma talaga si Sylvia Sanchez sa kanyang apo na anak nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.


Imagine, wala pang two months old ang baby boy ay sandamakmak na kung ipag-shopping ng kanyang Lola Sylvia.


Sa Instagram (IG) ni Ibyang, ipinost niya ang pag-iikot sa isang mall kung saan naghahanap siya ng mga mabibili niya para sa kanyang apo.


Aniya, “It feels so good! See you tomorrow, Apo.”


Pinasalamatan naman siya ng anak na si Ria, “Thanks, Ma.”


Komento ng isang netizen, “I know the feeling Ms. Sylvia. Ganyan din ako sa apo ko. Iba ang joy na naibibigay din ng apo.”


Nagkomento rin ang anak ni Megastar Sharon Cuneta na si KC Concepcion, “How cute!”

“Tnx (thanks), Gwaps,” sagot ni Ibyang.


Hmmm… tila may inggit factor ang Mega Daughter sa pagsa-shopping ni Ibyang para sa kanyang apo.


Sa isip-isip siguro ng anak nina Sharon at Gabby Concepcion, “Sana, ako rin.”


Samantala, sey naman ng isang netizen, “Spoiled ‘ata apo n’ya sa kanya, lalo’t first apo so far.”

 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | Oct. 10, 2024



Showbiz News

Photo: Raymond Bagatsing - Isko Moreno - Official Page


Last minute ay nag-file ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) ang mahusay na actor na si Raymond Bagatsing nitong October 8.


Kakandidato si Bagatsing bilang alkalde ng Maynila sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) kung saan siya ang PFP-Manila co-chairman. Hindi na bago sa aktor ang mundo ng pulitika dahil namulat na siya rito dahil sa dating Mayor Bagatsing na nagsilbi ng matagal na panahon bilang alkalde ng Lungsod ng Maynila.


Sabi nga ng aktor, “Ang layunin namin ay maibalik ang dangal ng Maynila bilang sentro ng oportunidad at progreso, isang lungsod na may pagmamahal sa bayan at disiplina sa pamumuno.”


Dugtong naman ng kanyang running mate, “Kami ay narito upang maglingkod na may

malasakit at buong-pusong dedikasyon, na may takot sa Diyos at paggalang sa kapwa.”

Kilala si Bagatsing na mahusay na aktor kaya marami ang kumukuha sa kanya.



Samantala, katatapos lang niya sa Black Rider (BR) kaya natanong ang soon-to be-mayor ng Manila kung ano’ng ipa-prioritize niya, pagdating na nang pangangampaya?

Sey niya, “Siyempre, ang pulitika. Ise-set aside muna natin ang pag-aartista dahil kailangan nating tutukan ang pangangampanya.”

And if ever naman daw na manalo siya, marami siyang nakikitang dapat baguhin sa Maynila.

Dahil naniniwala sila, “Whatever Manila goes, country will follows."

Walang takot si Bagatsing na kalabanin ang kanyang kapwa-actor na si Isko Moreno na muling nagbabalik bilang alkalde ng Lungsod.

Alam nilang mga malalaking personalidad ang makakatunggali ng Partido Federal ng Pilipinas, pero alam nilang wise na ang mga netizens ng Maynila kung gusto raw nila ng pagbabago.

May nagtanong, kung kaya raw ba nilang tapatan ang pondo ng ibang mga kandidato.

Iisa ang kanilang sagot, “Puso ng mga Manilenyo, ang katapat ng pondo.”


 

MATAGAL nang may humihimok sa King of Talk Boy Abunda na pumasok sa pulitika, pero wala pa ring nakakapagkumbinsi sa kanya.

Kamakailan ay isiniwalat niya kung bakit ayaw niyang  pasukin ang pulitika.

Kilala ang Abunda clan sa politics, pero ayon sa kanya he never aspired for public office dahil “wala sa bituka”. 


At mahal daw niya kasi talaga ang showbiz.


Aniya sa isang panayam, “Dati pa (I received offers to run). I’m the only one in the family who’s not been in politics. Kung talagang interesado ako, matagal na,” pasimula ng mahusay na TV host.


“The word is wala sa bituka, no fire in the belly. My sister right now is congresswoman. She was a nine-year vice mayor, nine-year mayor. Nanay (Lesing) was vice-mayor and konsehal. My father was a small-town politician. Hindi ko talaga siya ano,” esplika niya.


Dagdag niya, “Madali mag-turn down. Before, when I was offered, Nanay was there, it was very easy.


“Hindi naman ako shy, hindi ako nagpapahabol, pero wala talaga. But some of you know, I have a political consulting firm. I am familiar with politics, it has nothing to do with not knowing. Hindi talaga, e. I love showbiz.” 


Si Kuya Boy ay isang TV host, presenter, at talent manager.

Kilala siya bilang King of Talk sa showbiz industry dahil sa napakahusay niyang mag-interbyu ng mga artista.


 

THIS is it! Nasagot na rin ang mga katanungan ng mga netizens kung sasasabak na nga sa pulitika ang TV host na si Willie Revillame. Last October 8 ay nasagot na ang kanilang mga katanungan.


Opisyal nang nag-file ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) ang kontrobersiyal game show host.


Tatakbo siya bilang Senador tulad nang napag-usapan nila noon ni dating Presidente Rodrigo Duterte, kung saan kinukumbinsi na siyang pasukin nito ang pulitika. Tila nakapagbitaw yata si Kuya Wil na 2025 siya tatakbo bilang senador.


Sa pag-file ni Kuya Wil ng COC last Tuesday ay marami naman ang may disgusto.

May mga nag-aadvise raw sa kanya na huwag nang pasukin ang pulitika, pero hindi raw ito nakinig.


However, in recent months, the veteran TV host expressed that he lost his interest in politics with all the arguments and conflicts in the Senate and Congress.

Nasorpresa ang mga taong naroroon sa Comelec nang biglang sumipot si Kuya Wil bago magsara ang pagpa-file ng COC.


Ayon sa beteranang manunulat na si ‘Nay Cristy Fermin, “Tinawagan nga s’ya [ng] common friend namin. Nakapagdesisyon na raw s’yang [Willie] tumakbo. Sabi ko naman: ‘O, anong sabi?’ ‘Pinayuhan ko hindi naman nakikinig,’ sabi niya.” 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page