ni Beth Gelena @Bulgary | Mar. 27, 2025
Photo: Kathryn Bernardo at Julia Montes - IG
Magka-birthday month ang magkaibigang aktres na sina Julia Montes at Kathryn Bernardo. March 19 ang kaarawan ni Julia while March 26 naman si Kath.
Sa Instagram (IG) ni Julia ay nag-upload siya ng photo nila ni Kath.
Ang caption, “On your special day, I just want to remind you how much you mean to us. I’m so proud of you and grateful for all the unforgettable moments we’ve shared.
“May this year bring you endless happiness, success, and all the love you deserve. Keep shining, keep thriving, and never stop being the incredible person you are!” “Love you, always!” ani Julia.
Magmula nang nagkasama ang dalawang aktres sa hit series na Mara Clara (MC) noong 2010 ay naging mag-best friend ang dalawa until now.
After MC, nagkahiwalay na ng landas ang dalawa. Nagkaroon sila ng kani-kanyang programa kung saan sila na ang lead star.
Mas umangat ang career ni Kathryn Bernardo, pero hindi ito naging hadlang sa kanilang pagkakaibigan. Very supportive si Julia Montes sa career ng kaibigan at aniya, sila ang original love team.
Ifinlex ni Sharon Cuneta ang pag-uusap nila ng asawang si Kiko Pangilinan sa kanyang Instagram (IG) account.
Sa conversation nilang dalawa ay naroroon ang kanilang paglalambingan habang siya ay nagke-crave ng Japanese cuisine.
Ini-screenshot ni Sharon ang kanilang convo at saka ipinost sa kanilang family group chat.
Ani Sharon, “Dada, tempura and sukiyaki. Please!”
“Your wish is my command,” sagot naman ni Kiko.
Nag-react si Frankie, “Help us, God,” nang mabasa ang cute interaction at lambingan ng mga magulang sa chat.
Ang caption ni Megastar sa kanyang screenshot convo, “From our family thread weeks ago, when I took a break from my diet and craved Japanese food! Kiko was on his way home and so was I so I asked if he could make pabili for me. Our babies always comment funny stuff when their dad and I message each other.”
Komento ng mga netizens, “Help! Super cute n’yo talaga.
“Your family is very sweet, Mami! Ang cute-cute n’yo pong lahat, tamang panggulo lang si Ate Kakie sa lambingan, Hehehe!”
MASASABING tunay na “working congressman” ang aktor-pulitiko na si Rep. Arjo Atayde ng 1st District ng Kyusi. Unang termino pa lang ni Arjo bilang mambabatas, pero ang dami na niyang na-achieve sa Unang Distrito na kanyang nasasakupan.
Nagkaroon ng SODA (State of the District Address) si Cong. Arjo na ginanap sa Skydome, SM North nu’ng Lunes. “Aksyon Agad” ang slogan ng butihing kongresista.
Proud niyang sabi, “Over 400,000 residents benefit from Aksyon Agad in QC’s first district.”
Year 2022 nang unang manungkulan ang aktor bilang public servant. Idinetalye niya ang impact ng kanyang office initiatives sa employment, education, health, youth development, disaster response, and infrastructure. Ini-isa niya sa SODA ang kanyang mga na-accomplish.
Lahad ni Cong. Atayde, “Sa bawat pisong inilalaan ng gobyerno para sa ating distrito, sinisigurado nating walang nasasayang—lahat ay napupunta sa programang direktang makakatulong sa inyo.”Sa pagsasara ng kanyang SODA, pinasalamatan ni Arjo ang misis na si Maine Mendoza, pati ang buong pamilya niya sa suportang ibinibigay ng mga ito sa kanya.
Aniya, “Wala po ako rito kung hindi dahil sa inyong tiwala—isang tiwalang hindi ko kailanman ipagwawalang-bahala. Maraming-maraming salamat, Distrito Uno! Thank you for believing in me; I won’t let you down. LET'S MOVE ON TO NUMBER 2.”
Masigabong palakpakan ang iginanti ng mga constituents ng Distrito Uno kaya naman tumulo ang luha ng aktor.
Ang parents ni Arjo na sina Sylvia Sanchez at Papa Art Atayde ay na-amazed sa napakagandang speech ng kanilang anak.
Sey nga ni Ibyang sa amin, “Alam n’yo ba na sinabi ni Senator Ping Lacson, na sa lahat ng kongresista na nakita n’ya, si Cong. Atayde ang nakita niyang nagtatrabaho ng kanyang tungkulin. Hindi niya idinadaan sa salita lamang kundi talagang ginagawa n’ya.”
Ipinost din daw ng dating senador sa kanyang Facebook (FB) official page ang sinabi niya kay Arjo.
Sabi nga namin kay Cong. Arjo, “Ang husay mo, Cong. What’s next? Puwede ka nang maupo sa Malacañang.”
Mukhang may posibilidad, dahil ang pagpapakumbabang sagot ni Cong Arjo, “One at a time po. Step by step po.”