top of page
Search

ni Lolet Abania | May 26, 2021



Sumuko na ngayong Miyerkules ang suspek sa umano'y bentahan ng COVID-19 vaccine kay Mandaluyong Mayor Menchie Abalos at Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, Jr..


Kinilala ang suspek na si Kyle Bonifacio subalit itinanggi nito ang alegasyon.


“Hindi po talaga ako nagbenta but ‘yung resibo po na 'yun ay kusang bigay po sa akin nu’ng taong ‘yun,” sabi ni Bonifacio. Tumanggi rin itong magbigay ng iba pang detalye dahil aniya, magbibigay lamang siya ng testimonya sa pulisya. Una rito, nag-isyu na ang Philippine National Police ng subpoena laban sa suspek.

 
 
  • BULGAR
  • Apr 28, 2021

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 28, 2021




Nagkasundo ang Metro Manila mayors na ipatupad ang ‘flexible MECQ' simula sa Mayo dahil sa patuloy na banta ng COVID-19, ayon sa panayam kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos ngayong araw, Abril 28.


Aniya, “Ang napagkasunduan ng mga alkalde ay parang flexible MECQ. Ang tawag lang nito, MECQ with additional business openings.”


Sa ilalim ng nabanggit na quarantine classifications, inirerekomenda nilang luwagan din ang ipinatutupad na unified curfew simula alas-10 nang gabi hanggang alas-4 nang madaling-araw.


Nilinaw naman niyang susundin pa rin nila ang ilalabas na guidelines ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Health (DOH) at National Economic and Development Authority (NEDA).

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 7, 2021





Napagkasunduan ng mga Metro Manila mayors na ipagbawal pa rin ang operasyon ng mga sinehan at arcades dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa isinagawang pagpupulong noong Sabado, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos.


Aniya, "Metro Manila Mayors will have one policy, one voice as far as Metro Manila is concerned. Movies, arcades, cinemas, will be suspended temporarily because of this upsurge.


“Importante talaga rito ay 'yung back to basic, it’s the minimum health protocols, ito ’yung face shield, mask, specially distancing and of course, ‘yung paghuhugas ng kamay. These 3 things could make a lot of difference, napakaimportante po nito.”


Ayon din kay Abalos, susuriin pa ng mga opisyal ng pamahalaang lokal ang sitwasyon kaugnay ng pagdami ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon sa loob ng 3 hanggang 4 na linggo bago magdesisyon kung kailan muling papayagan ang operasyon ng mga naturang establisimyento.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page