ni Lolet Abania | November 19, 2021
Ilang pananim na mga gulay ang nabalot ng tinatawag na frost o andap sa lalawigan ng Benguet.
Sa pakiwari ng mga magsasaka, maagang nangyari ang frost sa kanilang lugar dahil anila, kadalasan ay dumarating lamang ito kapag panahon na ng amihan kung kailan nakakapagtala ng mababang temperatura sa naturang lalawigan.
Ang peak ng Amihan o Northeast Moonsoon ay karaniwang nararanasan tuwing Enero o Pebrero.
Ang andap o frost ay mga hamog na nagyelo na nangyayari kapag mababa na ang temperatura sa isang lugar, kung saan bumalot ito sa ilang pananim na gulay sa Benguet.
Gayunman, wala namang naitalang matinding pinsala sa mga gulay sanhi ng andap.