top of page
Search

ni Mylene Alfonso | April 24, 2023




Isinailalim ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa Alert Level 2 ang Benguet at 25 pang lugar hanggang Abril 30, 2023 bilang bahagi ng COVID-19 response.


Kabilang sa mga nasa ilalim ng Alert Level 2 ang Benguet, Ifugao, Quezon Province, Palawan, Camarines Norte, Masbate, Antique, Negros Occidental, Bohol, Cebu Province, Negros Oriental, Leyte, Western Samar, Lanao del Norte, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Occidental, North Cotabato, Sarangani, Sultan Kudarat,

Dinagat Islands, Basilan, Maguindanao, Sulu at Tawi-Tawi


Sa ilalim ng Alert Level 2, pinapayagan ang 50% capacity indoors ng ilang establisimyento para sa fully vaccinated adults at minors kahit hindi vaccinated, at 70% capacity naman kung outdoors.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 26, 2022



Nanatiling nasa severe outbreak ang COVID-19 risk level ng probinsiya ng Benguet simula Jan. 21 dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19, ayon sa OCTA research.


Muling nanguna ang Benguet sa listahan ng OCTA ng mga probinsiya sa labas ng National Capital Region (NCR) na may pinakamataas na daily attack rate (Adar) na may 101.48 kada 100,000 na populasyon. Ang Adar ay ang bilang ng mga indibidwal na na-infect ng virus sa kada 100,000 katao.


Nakapagtala ang probinsiya ng 1,290 bagong kaso noong Linggo lamang at nakapag-register ng weeklong growth na 86 percent, ayon sa OCTA.


Ang Mountain Province, Ifugao at Kalinga naman ay nagkaroon din ng mataas na outbreak basa sa Adar na naitala sa mga nasabing lugar. Ang tatlong probinsiyang ito ay isinailalim sa alert level 4 mula Jan. 21 hanggang Jan. 31.


Samantala, nagtayo ng 8 checkpoint sa Kalinga noong Linggo upang ma-regulate ang galaw ng mga tao at ng mga hindi bakunado, ayon sa provincial Inter-Agency Task Force.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 8, 2021



Malaki umano ang epekto ng pagpasok sa bansa ng mga strawberry na inangkat mula sa Korea sa mga strawberry farmers sa Benguet.


Batay sa ulat, nasa malalaking pamilihan na sa Cebu ang mga imported strawberry, na dating kostumer ng mga strawberry farmer sa Benguet.


“Ngayon lang kami naka-recieve ng report na mayroon nang strawberry from Korea and we found out na ngayong taon lang din yung application nila, ngayon lang din naaprubahan. Kaya ngayon lang din nakarating yung strawberry from Korea," ayon kay Agot Balanoy, presidente ng Benguet Farmers Cooperative.


Dahil dito ay nangangamba ang mga farmer mula Benguet dahil sa kanila nanggagaling ang malaking bulto ng strawberry sa merkado.


Samantala, kaunti raw talaga ang produksyon ngayon ng strawberry dahil sa epekto ng nagdaang kalamidad.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page