ni Jasmin Joy Evangelista | December 13, 2021
Bigo ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe na si Beatrice Luigi Gomez na maiuwi ang korona matapos na hindi na makaabante sa Top 3 finalists.
Nakapasok sa Top 5 si Gomez kasama sina Miss Universe India, South Africa, Paraguay, at Colombia.
Sa Q&A portion ng Top 5, tinanong kay Miss Universe Philippines 2021 kung ano ang kanyang opinyon hinggil sa mandating universal vaccine passports.
Sagot ni Gomez:
“I believe that public health is everyone’s responsibility and to mandate vaccine and occulation is necessary.
And if mandating vaccine passport would help us in regulating and the roll outs of vaccine and mitigate the situation of the pandemic today then I would agree on mandating the necessary passport of vaccination.”
Ang Top 3 finalists ay mula sa South Africa, Paraguay, at India.
Si Beatrice na mula sa Cebu ay gumawa ng history noong Setyembre matapos maging first openly out member ng LGBTQIA+ community na nagwagi ng Miss Universe Philippines crown.
Hindi man naiuwi ang korona ay masaya pa rin ang supporters at kapwa-Pinoy ni Beatrice dahil sa pinamalas nitong talento at puso para sa bansang Pilipinas.
We are proud of you, Beatrice!