top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 10, 2021





Ipinahahanda na ng Batangas City ang masterlist ng mga pamilyang ililikas sa evacuation center bilang preparasyon sa posibleng pagsabog ng Bulkang Taal, ayon sa pahayag ni Disaster Risk Reduction and Management Officer Rod dela Roca kaninang umaga, Marso 10.


Aniya, ang mga bayan ng San Pascual, Bauan at Batangas City ay puwedeng maging takbuhan ng mga residenteng maaapektuhan ng pagsabog, habang ang mga ililikas naman sa eskuwelahan ay 6,500 katao lamang ang maaaring tanggapin para maiwasan ang pagsisiksikan dahil 600 classrooms lamang mayroon ang paaralan.


Iginiit din niyang dadaan muna sa medical ang lahat ng mag-e-evacuate at hindi sila basta magpapapasok sa evacuation center sapagkat kailangan pa ring masunod ang health protocols. Sakaling may makitang sintomas o positibo sa COVID-19 ay kaagad na ididiretso ang indibidwal sa isolation facility.


Sa ngayon ay nananatili sa Alert Level 2 ang Bulkang Taal matapos makapagtala ng 51 na pagyanig kada isa hanggang 4 na minuto sa nakalipas na 24 oras. Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang paglapit sa main crater nito.

 
 
  • Balitang Probinsya
  • Oct 24, 2020

BATANGAS—Apat na sabungero ang inaresto ng pulisya nang mahuli sa aktong nagtutupada kamakalawa sa Bgy. Marawoy, Lipa City.

Nakilala ang mga suspek na sina Jesus Labayo, Allan Luspe, Jerome Monzales at Marvin Farranco, pawang nakatira sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pulisya na may kalalakihang nagtutupada sa nasabing barangay kaya agad nagsagawa ng pagsalakay ang mga awtoridad, pero nakatakas ang ibang sabungero at tanging ang apat na suspek lang ang nadakip.

Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga manok na panabong, cash at mga tari sa pag-iingat ng mga suspek.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa mga suspek.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page