ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 12, 2023
Patay ang 31-anyos na lineman matapos makuryente at mahulog sa hagdan sa Barangay Poblacion 5, Batangas, noong umaga ng Nobyembre 11.
Kinilala ng pulisya ang biktima bilang si Christian Fajardo, isang residente ng Brgy. Banay-banay, Lipa City, Batangas.
Nagkakabit si Fajardo ng mga kable ng kuryente malapit sa isang grocery store nang may sumabog sa poste na nagdulot ng kanyang pagkahulog sa hagdan.
Dinala siya sa ospital kung saan siya'y idineklarang patay dahil sa cardio-respiratory arrest dulot ng electrocution.