ni Jasmin Joy Evangelista | March 27, 2022
Idineklara ang mga bayan ng Mariveles at Limay sa Bataan bilang election hotspots dahil sa hindi pa nareresolbang pagpatay na naka-link sa pulitika at mga kaso ng political harassment sa mga nakalipas na taon.
Sa forum ng mga kandidato sa Balanga City noong Huwebes, sinabi ni Bataan provincial police chief Col. Romell Velasco na isasailaim sa close watch ang Mariveles dahil sa pag-murder kay Jonathan dela Cruz, head ng management information system at political coordinator ni Mayor Jocelyn Castañeda.
Pinatay si De la Cruz sa harap ng kanyang tirahan ng dalawang unidentified motorcycle-riding assailants noong December 2020.
Nag-file ng kaso ang pulisya laban kay Castañeda at sa apat na iba pa dahil sa delayed turnover ng mobile phone ni Dela Cruz at ng dashboard camera ng sasakyan nito sa mga awtoridad na nag-iimbestiga ng kaso nito.
Noong Huwebes, nagpiyansa si Castañeda ng P36,000 matapos mag-issue ng warrant of arrest ng local court laban sa kanya para sa kasong obstruction of justice.
Paulit-ulit naming itinanggi ni Castañeda na mayroong cover-up attempt sa naturang kaso.