top of page
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | Oct. 7, 2024



News Photo

Nilagdaan ng 'Pinas at South Korea (SK) ang isang kasunduan na nagsusulong ng feasibility study para sa Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).


Naging saksi sina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Pangulong Yoon Suk Yeol ng SK sa pagpresenta ng mga nilagdaang kasunduan sa pagbisita nila sa Palasyo ng Malacañang.


Patuloy na umaasa si Marcos kaugnay sa BNPP na matatandaang isang proyekto nu'ng panahon ng administrasyon ng kanyang yumaong ama, si Ferdinand Marcos Sr., na ipinagpaliban nang mahigit tatlong dekada.

 
 

ni Mylene Alfonso | May 7, 2023




Aabot sa 30 litro hanggang 50 litro ng gasolina at iba pang mixed substance ang tumagas mula sa lumubog na MV Hong Hai 189 sa Mariveles, Bataan.


Ito ang lumbas sa inisyal na ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) ilang linggo matapos ang insidente ng banggaan sa pagitan ng naturang barko at MT Petite Soeur sa bahagi ng katubigang sakop ng Corregidor noong Abril 28, 2023.


Nabatid na ang tumaob na MV Hong Hai 189 ay lumubog 400 yarda ang layo mula sa Sisiman Lighthouse, Mariveles, Bataan.


Samantala, sa ngayon ay patuloy pa ring mino-monitor ng mga kinauukulan ang sitwasyon sa nasabing lugar ngunit wala pa naman itong namamataang anumang bakas ng pagkalat ng nasabing oil spill.


Kaugnay nito, nagtulung-tulong din ang mga tauhan ng PCG Station Bataan at Marine Environmental Protection Unit para sa paglalagay ng mga oil spill boom at absorbent bags sa apektadong lugar bilang bahagi pa rin ng hakbang ng mga otoridad para maiwasan ang pagkalat ng nasabing langis.


 
 

ni BRT | February 13, 2023



Patay ang isang sabungero matapos itong barilin ng kapwa sabungero sa loob ng isang sabungan sa Bgy. Ala-uli, Pilar, Bataan, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Bataan Police Provincial Director Police Col. Rommell Velasco ang biktima na si Nards Morales, 52, ng Balanga City.

Ang suspek naman ay nakilalang si Russel Antonio na tumakas matapos nitong pagbabarilin ang biktima sa hagdanang bahagi ng Pilar Cockpit Arena habang nasa kainitan ng sultada.

Base sa inisyal na ulat, napikon ang natatalong suspek dahil sa umano’y kakulitan ng biktimang si Morales na naging dahilan ng pagbaril nito sa biktima. Patuloy ang pagtugis sa suspek at imbestigasyon sa insidente.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page