ni Rey Joble @Sports | Oct. 19, 2024
Ipinamalas ng rookie guard ng Ginebra na si Rhon Jay Abarrientos ang 28 puntos sa laro ng Barangay Ginebra at San Miguel Beer sa Ynares Center. Photo: PBA PH
Muling dinomina ng Barangay Ginebra ang San Miguel Beer at kunin ang Game 5, 121-92, at lumapit sa minimithing pagbabalik sa finals ng PBA Governors Cup nitong Biyernes ng gabi sa Ynares Center sa Antipolo.
Isa na namamg dominanteng laro ang ipinamalas ng rookie guard ng Ginebra na si Rhon Jay Abarrientos na nagbuhos ng 28 puntos habang nagdagdag ng 22 si dating Most Valuable Player Scottie Thompson para pangunahan ang atake ng Gin Kings.
Dahil sa panalo ng Ginebra, abot kamay na ng pinakapopular na koponan sa liga ang inaasam na pagbabalik sa championship roubd kung saan naghihintay ang karibal nilang TNT Tropang Giga, na magaang na idinispatsa ang Rain or Shine sa limang laro.
Dating tinalo ng Tropang Giga ang Gin Kings dalawang season na ang nakakaraan at gigil ang koponan ni coach Tim Cone na rumesbak sa team na ngayon ay hinahawakan nang muli ni Chot Reyes. Pero para kay Cone, hindi pa tapos ang laban.
“The battle has been won in Game 5, but the war isn’t over yet and we expect San Miguel to get back like they’ve normally done the past two wins,” ang sabi ni Cone.
“We’ve been trading wins and with their backs against the wall, we expect them to come firing in all cylinders.” “As for us, we expect a grind it out game as just like old times, closing out the series is the toughest thing to do.”