ni Clyde Mariano @Sports | Oct. 31, 2024
Photo: Rondae Hollis-Jefferson at Justin Brownlee - PBA PH
Dalawang panalo na lang ang kailangan ng Talk ‘N Text para mapanatili ang korona sa Governor’s Cup na napanalunan noong nakaraang taon sa ilalim ni coach Jojo Lastimosa at import Rondae Hollis-Jefferson kontra Barangay Ginebra sa 4-2 kasama ang title-clinching Game 6, 97-93, umiskor si Filipino-American Californian native Mikey Williams ng 38 points kasama ang siyam na tres.
Sa masusing gabay ni returning coach Chot Reyes katuwang sina assistant coach Jojo Lastimosa at Bong Ravena, muling tinalo ng Tropang Giga ang mababang morale na Kings sa Game 2, 96-84, sa loob ng dalawang araw matapos ang face off at umabante ng dalawa pang panalong laro sa harap ng partisan crowd sa muling pagbabalik ng liga sa Smart Araneta Coliseum.
Sa 2-0 lamang tiyak sasamantalahin ng TNT ang bentahe at hindi na pagbibigyan ang Barangay Ginebra na makabangon pa sa malalim na hukay. “2-0 lead is big investment,” sabi ni coach Chot. “The 2-0 advantage is not assurance nor guarantee we can retain the title. We have to play hard, double our efforts, consolidate our efforts and pull our resources to full use in the next two games and achieve the goal we are longing for,” sabi ni Reyes.
Muling gumawa si Rondae Hollis-Jefferson ng double-double 37 points at 13 rebounds, 11 defensive, bukod sa pitong assists. Tinalo ni RHJ si Justin Brownlee sa kanilang match-up at umiskor lanh ang resident Barangay import ng 19 points at nine rebounds. Nag-ambag sina Calvin Oftana at Glenn Khobuntin ng tig- 13 points, William Jayson Castro at Roger Pogoy ng tig-9 points sa TNT.
Sa kabila ng paghabol, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si coach Tim Cone at kumpiyansa ang American mentor na makakaahon sila sa malalim na hukay at makakabalik sa winning form. “We are down but not out. The playoff is not over yet. Many things happen along the way in the playoff. We’ll get back into the grove,” sabi ni Cone.
Dikit ang laro bago lumamang ang TNT, 78-71, sa 2 minutong nalalabi sa fourth quarter ay nagtarak ng 8-0 blast kasama ang tres ni Roger Pogoy. Napanatili ng Tropang Giga ang lamang, 83-75, sa bisa ng basket shot ni John Paul Erram sa 8 minuto ang natitira sa payoff period.
“I stepped up and gave the needed points. I’m happy, I made it,” sabi ng 26 years old American na si RHJ na taga-Pennsylvania state. “If we sustain this kind of performance and play cohesively, there’s a good chance we can sweep the playoff. Hopefully, we make it,” wika ni Hollis-Jefferson. Muling lalabanan ng TNT ang Barangay Ginebra sa Game 3 November 1 All Souls Day sa Big Dome.