top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | December 6, 2021



Aabot sa 500 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na sumiklab sa Isabela City, Basilan, nitong Sabado nang.


Ayon sa ulat ng Basilan provincial government, aabot sa 235 bahay ang natupok sa insidente.


Iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog.


Nanawagan naman ang lokal na pamahalaan ng Isabela sa publiko na tulungan ang mga biktima ng sunog, na ngayo'y nangangaialngan ng mga damit, pagkain at hygiene kit.

 
 

ni Lolet Abania | January 14, 2021




Labing-walong pasahero at crew ang nailigtas ng Philippine Coast Guard at mga residente matapos na lumubog ang bangkang sinasakyan ng mga ito sa Malamawi Island sa nitong Miyerkules.


Sa report ng Basilan Provincial Disaster Management Office, ang MPB Queen Shaima Dash 3 ay may sakay na apat na pasahero at 14 na crew.


Isang motor boat naman na may limang pasahero ang bahagya ring lumubog malapit sa Baluk-Baluk, Hadji Muhtamad sa parehong araw.


Nailigtas sila ng mga mangingisda sa lugar. Ayon sa Basilan PDRRMO, naganap ang dalawang insidente sa lugar dahil sa masamang lagay ng panahon.


Gayunman, ayon sa mga awtoridad, wala namang nasaktan sa parehong insidente.


 
 

ni Thea Janica Teh | October 30, 2020





Patay ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) matapos makaengkuwentro ng militar nitong Huwebes nang hapon, ayon kay Westen Mindanao Command Chief Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr.


Kinilala ang miyembro na si alias “Botak” na napatay sa Barangay Felang sa Ungkayan Pukan, Basilan. Nakasakay umano ito sa isang motorsiklo at may dalawa pang kasama nang harangin sila ng 101st Infantry Brigade at 18th Infantry Battalion.


Si Botak umano ang kasa-kasama ng isa sa sub-leader ng ASG na si Furuji Indama na napatay nito lamang Setyembre.


Ayon kay Joint Force Basilan Commander Col. Domingo Gobway, narekober nila ang katawan ni Botak pati na rin ang ginamit na motorsiklo at M-60 machine gun. Samantala, sinabi ni Vinluan na magpapatuloy ang operasyon ng militar laban sa ASG.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page