top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | October 30, 2023




Sugatan ang isang barangay chairman at limang iba pa matapos ang pamamaril sa kasagsagan ng eleksyon sa Brgy. Lahi-Lahi, Tuburan, Basilan.


Kinilala ang opisyal ng barangay na si Ibrahim Atang, habang mga kamag-anak naman nito ang iba pang biktima.


Ayon kay Police Col. Carlos Madronio, hepe ng pulisya sa Basilan, naganap ang insidente sa labas ng polling precinct, bago mag-umpisa ang botohan, kung saan aktibong miyembro ng Philippine Coast Guard ang isa sa mga suspek na biglang nagpaputok.


Nagsimula umano ang kaguluhan dahil sa mga tagasuporta ng magkalaban na mga kandidato.


Sumugod ang mga sundalo mula sa 101st Brigade at mga tauhan mula sa Tuburan Municipal Police Station upang patahimikin ang mga ito.


Kasalukuyang iniimbestigahan ang insidente.


 
 

ni Mylene Alfonso | April 10, 2023




Nais ni House Speaker Martin Romualdez na may managot sa pagkasunog ng barkong MV Lady Mary Joy 3, na naging dahilan ng pagkamatay ng 31 katao at 2 pa ang nawawala sa karagatang ng Baluk-baluk Island sa Basilan kamakailan.


Kinalampag din ang Maritime Industry Authority (MARINA) at Philippine Coast Guard (PCG) na alamin ang puno't dulo ng pagkasunog ng barko.


Dapat umanong natuto na ang MARINA at PCG mula sa mga nakaraang trahedya sa sasakyang pandagat, lalo na dahil sa overloading.


Ani Romualdez, mismong si Mayor Arsina Kahing-Nanoh ng Hadji Muhtamad, Basilan ang nagsabi na nahirapan ang mga otoridad sa rescue operation dahil sa inaccuracy ng passenger manifesto.


Binanggit din na kung pagbabatayan ang bilang ng mga naligtas at bilang ng nasawi, hindi ito tugma sa record ng PCG.


Aniya, dapat na may managot sa insidente at pahintuin na muna ang paglalayag ng iba pang barko ng naturang shipping line.


 
 

ni Lolet Abania | December 6, 2021



Dalawang alkalde mula sa lalawigan ng Basilan na magkasamang bumiyahe patungo sa Zamboanga City ang tinambangan at pinagbabaril ng mga hindi nakilalang salarin ngayong Lunes, ayon sa pulisya.


Ayon kay Zamboanga City Police spokesperson Police Lieutenant Mary Agnes Miro, nakilala ang mga biktima na sina Darussalam Saguindilan Lajid, mayor ng bayan ng Al-Barka na ang namatay, at Alih Awal Sali, mayor ng bayan ng Akbar ay nasa kritikal na kondisyon.


Sinabi ni Miro na ang driver ni Sali ay namatay din sa insidente, kung saan pinagbabaril sila ng hindi nakikilalang apat na suspek.


“’Yung dalawang mayors nasa ospital ngayon. But ‘yung isa, si Mayor Darus, namatay na po. Declared dead-on-arrival by the attending physician, kasama po ‘yung driver ni Mayor Sali,” sabi ni Miro sa isang interview.


Ayon pa kay Miro, bandang alas-8:00 ng umaga, ang dalawang alkalde ay dumating sa Baliwasan Seaside sa Zamboanga City na sakay sa isang motorized boat, nang biglang pagbabarilin ng mga suspek saka agad na tumakas ang mga ito lulan ng isang motorized boat.


Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nangyaring insidente habang inaalam na rin ang motibo ng pamamaril at pagkakakilanlan ng apat na suspek.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page