ni Jasmin Joy Evangelista | February 22, 2022
Tila inendorso na ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Interim Chief Minister Ahod “Al hajj Murad” Ebrahim si Manila mayor at presidential candidate Francisco “Isko Moreno” Domagoso, matapos itong ipakilala bilang “incoming president.”
“Pagbati kay Manila Mayor Isko Moreno, our incoming president, welcome sa Bangsamoro government,” Murad said to Moreno during his courtesy call.
Si Moreno ang unang 2022 presidential candidate na nakipagkita kay Murad, na maliban sa pagiging Bangsamoro chief minister ay siya ring chairman ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Sa naturang courtesy call, sinabi ni Murad na looking forward siya na makatrabaho si Moreno lalo at hinaharap ng BARMM ang challenging task na pag-sustain ng momentum ng peace process para sa patuloy na kapayapaan sa Mindanao.
“It is a challenging task because we ourselves are transforming from a revolutionary government bureaucracy,” ani Murad.
“But as you can see, marami pang kulang, kasi itong transition is not only for the government, but also there is another track which is more challenging, which is the normalization track,” dagdag niya.
“So, on behalf of our government, the Bangsamoro Transition Authority, we welcome you Sir, and your party, dito sa BARRM, and we look forward to working with you,” pahayag pa ni Murad.
Samantala, nagpasalamat si Moreno sa suporta ni Murad sa kanya at kanyang team.
“Maraming, maraming salamat sa ating minamahal na Chief Minister, sa mga senior ministers, members of the parliament, cabinet, at ang ating mga kasamahan dito, mga kawani ng ating pamahalaan dito sa BARMM,” ani Moreno sa isang interview matapos ang courtesy call.
“Talagang na overwhelm kami sa good words ni Chief Minister at ng sampu ng kanyang mga kasama,” dagdag niya.
Nangako naman si Moreno na ang kanyang magiging administasyon, kung siya ang magiging pangulo, ay susunod sa mga probisyon ng BARMM law upang ma-achieve ang long-lasting peace sa Mindanao.
“Talagang ikinomit natin na yung continuity. So, ang gagawin ko mangongopya na lang ako kay Pangulong Duterte. Itutuloy na lang natin yung mga nasimulan na. All things are in place,so what we’re gonna do, yung mga batas na yon, na mga letrang naisulat, ay lalagyan na lang natin ng puso. At ang naglalagay ng puso sa pag unawa sa batas ay lider ay siya naman aking tutugunan, na makamit natin bilang Pilipino, Muslim man o Kristyano, ang tunay na kapayapaan at kasaganahan para sa lahat,” pahayag ni Moreno.
“So, of all those things that are written in those laws ay ipatutupad na lang natin so that there will be continuity, there will be predictability, yun ang importante siguro sa mga naguusap-usap na panig,” dagdag pa niya.