ni Lolet Abania | January 27, 2022

Inanunsiyo ng Makati City government ngayong Huwebes ang gagawing road closure at traffic rerouting sa lugar kaugnay sa Bar examinations ngayong taon.
Sa isang advisory, ayon sa lokal na pamahalaan, ipapatupad ng Makati Public Safety Department ang road closure o pagsasara ng mga kalsada sa kahabaan ng J.P. Rizal Street Extension mula sa Buting hanggang Lawton Avenue sa Pebrero 4 at 6, mula 4AM-8AM.
“The stretch of J.P. Rizal St. Ext. from Buting to Lawton Ave. is closed to traffic except for vehicles carrying examinees and concerned employees,” pahayag ng Makati City government.
“Only designated loading and unloading areas are available. No parking space is provided,” dagdag nito.
Ayon sa lokal na gobyerno ng Makati, ang mga examinees ay dapat magpakita ng exam permit para sa entrance ng kanilang service vehicle.
Pinapayuhan naman ang publiko at mga motorista na sundin ang mga alternatibong ruta na kanilang inanunsiyo.
Ang mga sasakyan na mula sa Buting/Pateros — Take Kalayaan Avenue to Guadalupe-EDSA; Take Lawton Avenue to JP Rizal-EDSA.
Ang mga sasakyan na mula sa Guadalupe-EDSA — Take Lawton-Kalayaan Avenue to Buting.
Samantala, mga ilang minuto ang in-adjust ng Supreme Court para sa afternoon schedule ng unang araw ng Bar examinations.
Ayon kay Associate Justice Marvic Leonen, ang exams ay gaganapin mula alas-1:50 ng hapon hanggang alas-5:50 ng hapon ng Biyernes, Pebrero 4.
Habang ang morning examination hours sa Pebrero 4, gayundin sa ikalawang araw ng exams ay magpapatuloy sa nakatakdang iskedyul nito.