top of page
Search
  • BULGAR
  • Apr 15, 2023

ni Madel Moratillo | April 15, 2023




Aabot sa 3,992 examinees ang nakapasa mula sa 9,183 bar takers.


Ayon kay Bar Exam chairperson Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa, nasa 43.47% ang passing rate ng 2022 bar exams.


Sa Top 30 na inanunsyo ni Caguioa, 13 ang mula sa University of the Philippines habang walo naman ang mula sa Ateneo de Manila University.



Kabilang sa mga nakapasok sa Top 10 sina:


• DAYDAY, Czar Matthew Gerard Torres – University of the Philippines

• MARIÑAS, Ericson Cayabyab – University of the Philippines

• CREGENCIA, Christian Claire – University of the Philippines

• YU, Andrea Jasmine Ong – University of the Philippines

• GATAPIA, Kim Gia Grande – University of the Philippines

• BAES, Gabriel Gil Manlambus – University of San Carlos

• REYES, Luigi Nico Mosqueda – San Beda University

• UY, Rio Mei Lungub – Ateneo de Manila University

• VERGARA, Mark David Quinit – Ateneo de Manila University

• ORENCIA, Jaims Gabriel Lopez – Ateneo de Manila University


Itinakda naman sa May 2 ang kanilang oath taking na gagawin sa Philippine International Convention Center kasabay ng kanilang paglagda sa Roll of Attorneys.


Para sa kumpletong listahan ng mga nakapasa, maaaring bisitahin ang official website ng Korte Suprema.


 
 

ni Lolet Abania | February 6, 2022



Ilang Bar examinees ang na-disqualified dahil sa paglabag sa mga polisiya na naitakda at nai-post ng Office of the Bar Chairperson at kanilang honor code, ayon sa Supreme Court ngayong Linggo.


Sa isang Bar bulletin, ibinunyag ni Associate Justice Marvic Leonen na ilang examinees ang nakapasok sa local testing centers nang hindi idineklara na sila ay tinamaan ng coronavirus, aniya, “they had previously been infected with COVID-19, smuggled mobile phones inside the examination rooms and accessed social media during lunch break inside the premises.”


“For their infractions, I am exercising my prerogative as Bar Chairperson to disqualify these examinees from the 2020/21 Bar Examinations. I take my constant message of honor to the examinees seriously,” pahayag ni Leonen.


“I owe it not only to those who risked their lives just to make the 2020/21 Bar Examinations happen despite all odds, but most especially to those examinees who could have taken the Bar Examinations were it not for their positive COVID-19 test results,” dagdagng associate justice.


Gayunman, ayon sa opisyal, ang kanilang disqualification ay para lamang sa 2020/21 Bar Examinations.


“For now, reflect on what you have done, but know that you can still change your narrative. You will not end up as the examiner who lost your honor forever in your desperation to pass an examination. Learn from your mistake, and earn your honor back,” payo ni Leonen sa mga na-disqualified na examinees.


Sinabi rin ni Leonen na mayroong 219 Bar examinees na hindi nakakuha ng exams dahil na sila ay nagpositibo sa test sa COVID-19.


Inisyal na nakaiskedyul ang Bar exams noong Enero 23 at 25, 2022, subalit iniurong ng Pebrero 4 at 6, 2022 dahil na rin sa pag-iingat laban sa coronavirus.


May mga health workers naman sa mga Bar exam venue entrances para kumuha ng body temperature ng mga examinees at upang tiyakin na nasusunod ang minimum health at safety protocols.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 2, 2022



Magsasagawa ng COVID-19 rapid antigen test ang Quezon City Government sa 1,100 Bar examinees, staff at volunteers upang makasiguro na hindi magiging 'superspreader' event ang examinations na gaganapin sa Pebrero 4 at 6, ayon kay Mayor Joy Belmonte.


Isasagawa ang swab tests ngayong araw, February 2, para sa 756 bar examinees at sa February 3 naman ang 350 personnel at volunteers sa University of the Philippines (UP) College of Human Kinetics Gymnasium.


“We have been closely coordinating with the Supreme Court (SC) as well as administrators from the University of the Philippines since the University has been selected as one of the testing sites. We share the same goal with them and that is to ensure the safety of the examinees and the success of the examinations on February 4 and 6,” ani Belmonte.


Ayon sa city government, ipo-provide ng SC ang test kits habang ang QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (QCESU) naman ang magsasagawa ng testing.


Nasa 20 health personnel ng QCESU ang makikibahagi sa testing habang ang ibang city departments naman ay mag-a-assist sa tests at examinations.


Ang mga magpopositibo ay ia-assess at ire-refer na mag-home quaratine o ita-transfer sa HOPE Community Care facilities ng lungsod.


Ang QC Task Force for Transport and Traffic Management (QCTFTTM) naman ang magme-maintain ng magandang daloy ng trapiko sa vicinity ng UP.


“Rest assured that we will provide all the support needed, and the issues concerning health or safety will be the least of your worries. We wish all the examinees the best of luck,” pahayag pa ni Belmonte.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page