ni Jasmin Joy Evangelista | September 30, 2021
Ipinaalala ng Bangko Sentral sa publiko na legal pa rin ang paggamit ng P20 peso bill sa mga transaksiyon.
Ito ay kahit tinatanggal na ang P20 bill sa circulation o hindi na gumagawa ang BSP ng mga banknote nito.
"The Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) advises the public that the 20-Piso New Generation Currency (NGC) banknotes remain as legal tender and can be used alongside the 20-Piso NGC coins for day-to-day transactions," anito.
Ayon pa sa BSP, dapat ma-recirculate ang mga P20 na barya, na itinatabi ngayon ng ilang tao sa kanilang mga coin bank para sa savings.
"The BSP enjoins the public to properly use and to recirculate Philippine coins for their economic and cultural value," anito.
Samantala, ang P20 ang pinaka-ginagamit na denominasiyon sa circulation ng pera sa bansa, ayon kay BSP. Gov. Benjamin Diokno.